Chapter 13

83 4 3
                                    

~Kaith~

Pinapauwi ako ng nurse dahil may lagnat raw ako. Kailangan raw magpahinga muna ako dahil baka raw hindi ako makapag-concentrate sa plano namin na horror room. Nagulat ako nang sinabi niya yun. Sabi rin niya, alam niya kasi binigay ng professor namin ang pangalan ko sa principal dahil isa ako sa mga in-charge na gagawa ng horror room.

Kaya andito ako sa bahay. Hindi ako makapag-concentrate dahil sa vision ko kanina. Hindi ko alam kung bakit umiyak ako nang naalala ko ang sinabi ng batang lalaki.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nakaramdam ng lungkot at galit. Lungkot at galit na hindi ko alam kung bakit at bakit umiyak ako.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko nalang iisipin yun. Baka isa lang ito sa mga panaginip ko noong bata pa ako. Gagawa nalang ako ng plano para sa aming school day.

"KEITH!!!" Muntikan na lumabas ang kaluluwa ko sa sigaw ng maid namin.

"ANDITO KA NA! San ka ba nanggaling? Okay ka lang ba?"

"A-ah, oo. Ayos lang ako Claire. Teka, hi-hinanap ba ako ni papa?" Takot kong tanong. Nakakatakot kasi si papa pag nagagalit.

"Nakakalungkot kasi, hindi. Pumunta siyang ng America para sa isang business conference. One month siya dun at pupunta naman siya sa Europe dahil sa isang opening ng nagong branch niyo. One month din siya dun." Malungkot na sabi ni Claire.

Hay, salamat. Pero, kahit natutuwa ako, nalulungkot pa rin ako dahil hindi ako hinanap ni papa. Hindi man lang niya ako kinumusta. Kung sabagay, hindi ko talaga siya tunay na tatay.

"Um, Keith. Ayos ka lang ba?" Tumingin ako kay Claire at ngumiti.

"Medyo. Dahil tinatawag mo pa rin akong Keith kahit alam mo na ako si Kaith."

Biglang lumaki ang mga mata niya at gulat na gulat siya sa sinabi ko.

"H-ha? Pano niyo po nalaman?"

Kasi naramdaman ko at halata sa kilos mo.

"Kasi alam ko nakita mo ang album ko nung bata pa ako." Ngumiti ako.

"H-hindi ko naman po sinasadya. N-naglilinis l-lang ako ng basement at-"

"I believe you. Wala akong pakialam kung malaman mo."

Napahawak siya sa dibdib niya at nag-exhale. Tumawa ako. Kinabahan siya.

"Pero bakit Keith ang tawag sa'yo ng tatay mo?" Napatigil ako sa sinabi niya. Napayuko ako.

"A-ah! O-okay lang po kung ayaw m-mo ikwentu. Ayos lang po talaga. A-ah, oo nga pala. M-mag-luluto pa po pala ako. Aalis na po ako, Bye!" At tumakbo siya palabas ng kwarto.

Nanatili akong nakayuko. Bakit nga ba? Bakit ako nagpapanggap na si Keith? Dahil ba gusto ni papa? O dahil gusto ko ako na lang ang namatay at hindi si Keith?

Keith...

Namimiss ko na siya. Ang mga biro niya. Ang mga ngiti niya. Mga tawa niya. Mga advice niya sa akin. Ang pagmamahal niya. Ang kakambal ko.

Ewan ko ba kung bakit hindi na lang ako ang namatay. Wala naman ako silbi sa buhay ni papa.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ayan na naman ako. Nag-iisip ng kung ano ano.

Pinikit ko ang mga mata ko at ilang minuto, nakatulog na ako.

~Sam~

Nag aalala na talaga ako kay Kaith. Hindi ko alam pero parang nararamdaman ko na merong masama na mangyayari.

"Ayos lang ba talaga si Kaith? Puntahan kaya natin sa clinic? Dalhan na lang natin ng pagkain kasi hindi pa siya nakakain ng lunch." Sabi ko at tumango silang apat.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon