Chapter 24

104 2 2
                                    

~Kaith~

"Ilang minuto na lang, magsisimula na ang celebrasyon!" Sigaw ng isang kaklase namin.

Nandito kami ngayon sa loob ng classroom, naghahanda. At mukhang ayos na ang lahat. Nakasuot na lahat ng costume at ang iba, nasa puwesto na nila.

"Mukhang ayos na ah." Sabi ni sir at ngumiti ako.

"Oo nga. At mukhang excited na sila." Tumawa kaming dalawa.

"Um, Keith, ayos na ba toh?" Lumingon ako at nakita ko si Alexa, nakasuot ng dress na kulay pula at itim.

"Ayos na yan. Oo nga pala, meron dun headband sa box malapit sa pintuan sa likuran. Kulay pula ang sayo. Kay Mary itim at kay Sabrina, puti." Tumango siya at pumunta sa box.

Lumabas ako at tumingin sa bintana. Grabe marami na ang mga tao. Nakikita ko rin na meron na mga estudyante. Naka uniform kasi at pamilyar sa akin ang iba.

"Grabe ang dami." Lumingon ako at nakita si Xavier. Nakasuot siya ng itim na V-neck, black jacket, jeans at itim na Vans.

"Oo nga. At lunes ngayon. Dapat nga kunti lang kasi meron silang klase. Oo nga pala, may kulang sa suot mo." Sabi ko at tinaasan niya ako ng kilay.

Kinuha ko sa bulsa ko at binigay sa kanya. Isa itong soft supple black leather choker at merong susi at lock.

"Nakita ko yan sa isang tyangge. Napagisipan ko na bilhan ka kasi mukhang bagay yan sa susuotin mo ngayon at isang thank you gift na rin."

"Thank you gift?"

"Oo, kasi andito ka kapag kailangan kita at dahil sinabi mo sa akin ang tunay ko na pagkatao."

Ngumiti kaming dalawa at sinuot niya ang choker. At tama nga ako. Bagay sa suot niya. Gangster kasi ang role niya.

"Salamat. Papasok muna ako." Tumango lang ako at pumasok siya.

Tumingin ako ulit sa bintana at mukhang ilang minuto na lang, they will cut the ribbon para makapasok na ang lahat.

"Oh, Keith."

Lumingon ako at nakita ko ang principal namin. Kumaway siya sa akin at pumunta ako sa kanya.

"We will cut the ribbon in a minute. Tawagin mo ang professor niyo at pumunta na kayo sa gate. You and your professor only, understand?" Tumango ako at bumaba na siya.

Pumunta na ako kaagad sa classroom namin at hindi naman ako nahirapan hanapin si sir dahil nasa gitna siya ng classroom at nakaupo ang mga kaklase ko.

"Sir, kailangan na natin dalawa pumunta sa gate. Magsisimula na daw po."

Tumango siya "Okay, now everyone listen. Dapat walang lalabas except sa mga group na incharge sa labas. Pwede rin lumabas sina Alexa, Sam, Xavier, Shane at yung ibang hindi pinili ni Keith na mag ka group. Kailangan hindi nila malaman na horror room tuh, understand?"

Nag "yes" silang lahat at ngumiti si sir

"Good. STAR SECTION..."

"FIGHT, FIGHT, FIGHT!!!" Sigaw namin at lumabas na kami ni sir.

-----------------20 minutes later----------------------

"And now, we open the school festival!" Sigaw ng principal namin at pumasok na ang lahat.

"Well, let's go?" Tanong ni sir at tumango ako.

Tumakbo kami pabalik ng building at pumunta sa classroom namin.

"Okay, places everyone. Maging alert kayo ha? Kung gugulatin niyo, wag na kayong mag dalawang isip. Understand?" Nag yes silang lahat.

"Yung tatawagin ko, lumabas kayo. Joshua, Christopher, Vince, Chanel, Earl, Sabrina, Alexa, Mary, Shane, Xavier at Sam."

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon