Chapter 20

126 4 2
                                    

~Kaith~

Ilang oras na ang nakakalipas at andito pa rin kami sa room ko, nagkukwentuhan. Nalaman ko na magkaklase sila ni Sophia at Angel noong grade three pa sila. At simula pa noon, hindi sila nagiiwanan kahit lumipat si Angel ng school. Hanggang nag transfer si Sophia at yun na nga. Hindi na nagkahiwalay ang dalawa ulit.

"Um, excuse me Mistress Kaith, ayos na po ang kwarto." Tumango ako at nagpasalamat sa kanya.

Ilang segundo pa, pumasok ang mga butlers namin at binuhat ang mga bag nila at pumunta na kami sa kwarto.

Pagpasok namin, nagulat sila sa nakita nila. Tiningnan ko ang room at mukhang ayos na nga. Isang king size na bed, malaking pintuan para sa balcony. Meron ding pintuan para sa restroom at pintuan para sa walk-in closet. At ang glamorosong bedroom chandelier na parang diamonds at crystals.

"Sorry, it's not that much." Sabi ko at mukhang nanlaki ang mga mata nila.

"Not that much?! E mas malaki pa tuh sa classroom namin." Sabi ni Angel.

"Ayos na kami dito. Mukhang malaki naman tuh sa aming dalawa. And I can't believe na may sofa pa!" Sigaw ni Sophia. Well, meron. Dalawang single na sofa at mahaba na sofa, isang crystal na table. At meron ding flatscreen tv at malaking aircon. Hehe.

"Parang nasa hotel na nga kami e." Sabi nilang dalawa at tumawa ako.

"Oo nga pala Sophia, ayos lang ba sa'yo kung mag-isa ka lang sa room na tuh?" Tumingin siya sa akin at umiling.

"I don't mind. Pero, akala ko share kami ni Angel ng room."

"Oo nga. Bawal ba ako dito? Okay lang kahit sa sofa ako." Tumawa ako.

"Hindi. Magkaiba kayo ng room." Tinaasan nila ako ng kilay.

"Sumunod kayo sa akin." Sumunod naman si Angel at si Sophia.

Pumunta kami sa kabilang room at binuksan ito. Pareho lang naman sila ng room ni Sophia. The only difference is yung chandelier. Yung nasa room ni Sophia, gold yun. Kay Angel, Sapphire.

"Wow. Um, Kaith, ayos lang talaga sa akin kung share na lang kami ni Sophia ng room. Malaki naman ang bed." Sabi ni Angel at tumango si Sophia.

"Don't worry guys. Marami pang room kaya dito kaya wag kayong mag aalala. Actually, we had 18 spare rooms now and you guys have one room each." Ngumiti ako.

"Kaith, hindi namin alam kung pano makabawi sa'yo. Hayaan mo. Magtatrabaho kami para maka-"

"No need. Feel at home. Wag na kayong mahiya." Ngumiti ulit ako.

"Oo nga pala. Bago ko makalimutan, minsan niyo lang ako makikita dito. Just like those girls said, I live in the U.S. So, ang palagi niyo lang makikita ay ang kakambal ko." Sabi ko bago ko pa makalimutan. Tumango sila.

"Teka, babalik lang ako. Tatawagan ko muna si dad." Tumango sila ulit at pumunta na ako sa kwarto ko.

Tinawagan ko si papa at naka limang rings lang at sumagot na siya.

"Is there something you need?" Wow, hello din po.

"Dad, may mga kaibigan ako na titira dito sa mansion. Is that okay?"

"No. They're not allowed-"

"Sinabihan ko na po sila na makikita nila lagi si Keith, hindi si Kaith." Sabi ko, expecting that he will say that.

Tumahimik siya bigla ng ilang segundo at nagsalita ulit.

"Okay. As long they won't know the truth." Yes!

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon