Chapter 21

104 4 2
                                    

~Keith~

"Nagkakaitindihan na ba ang lahat?" Sabi ng sir namin at tumango lang kaming lahat.

"Okay, well you can go home now. Get ready for Monday." At umalis na lahat ng mga kaklase ko. Well, except sa kay Xavier, Sam, Alexander, Paolo at Shane. As usual.

"Ba't late ka kanina?" Tanong ni Alexander.

"Ah, may ginawa lang sa bahay. Peace." Tumawa silang lahat except kay Xavier.

"Ayos ka lang, Xavier?" Tanong ko at tumingin siya sa akin.

"Can I talk with you, alone?" Tumango ako at pumunta kami sa rooftop.

"So, what's up?" Panimula ko.

Napabuntong-hininga siya "Ano'ng gagawin mo kung malaman mo na buhay pa ang tunay mo na pamilya?"

I didn't expect that. Tumahimik ako bigla at tumingin sa langit. Ano kaya?

"T-Teka, a-ayos lang kung hindi mo sasagutin. Sabi ko na nga ba. Sana hindi ko nalang-"

"Wala." Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sa akin.

"Ano?"

"Wala. Magiging masaya syempre dahil makikita ko sila. At makakasama."

"Hindi ka ba magagalit na iniwan ka nila?"

"Hindi. Dahil alam ko naman na may magandang rason sila kung bakit. At isa sa mga rason ay pinoprotektahan lang nila ako. At saka, wala naman patutunguhan kung magagalit ako sa kanila. Pamilya ko pa rin sila at hindi na yun magbabago."

Tumahimik kami bigla at napaisip ako. Paano kaya kung totoong buhay pa sila?Ano ang gagawin ko pag makita ko sila? Pero, parang impossible naman. Iniwan kami ni mama at namatay si Keith dahil sa plane crash.

Nakita ko ngumiti si Xavier at tinaasan ko siya ng kilay?

"O, ba't ngumingiti ka dyan?"

"Wala. Tara na nga. Hinihintay na nila tayo."

Bumaba na ako at naramdaman ko na parang may itinatago sa akin si Xavier. Especially nung sa bintana. Hmm...

"O, ba't ka nakatingin sa akin?" Tanong ni Xavier ng nahalata niya na tumitingin ako sa kanya.

"Wala. Napapansin ko lang na parang may tinatago kayo sa akin." At pagkasabi ko nun, nabuga ni Shane ang iniinum niya, nalaglag ang cellphone ni Sam, tumigil sa pagsusulat si Alexander at tumingin kay Xavier. Confirm. May tinatago nga sila.

"Kami? May tinatago? And what makes you say that?" Sabi ni Xavier, punong-puno ng confidence.

"Lagi kayong busy." Sabi ko.

"Natural dahil busy tayo sa upcoming school day."

"..." Hindi nalang ako nagsalita at nagsimula na lang ako lumakad.

"O, san ka pupunta?" Tanong ni Shane.

"Sa Hogwarts."

"Uy, sama ako." Sabi ni Xavier at Sam.

"Wag na. Mapapahamak lang ako. Baka malaman ni Ron na lalagyan ko siya ng ahas sa puwet." At tumawa naman sila. Pumunta ako sa c.r. and do my stuff ng biglang...

"Aish, kasalanan to ni Sophia at Angel! Napahiya ako sa harapan ni Kaith!" Pamilyar sa akin ang boses na yun.

"Teka, si Kaith? As in, Kaith Red Clearwater?" Tanong ng isang babae.

"Yes! Ugh, I hate those two. Ipinahiya ako sa harapan niya!"

"Calm down, Clarissa. Makakaganti rin tayo sa kanilang dalawa." Oh. Kaya pala pamilyar sa akin yung boses. Si Clarissa pala.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon