Chapter 19

76 4 3
                                    

~Kaith~

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Aish, ang ingay! It's only four in the morning!

Sumilip ako sa bintana at pagtingin ko sa labas, wala namang tao. Hay, baka guni guni ko lang yun.

Bumalik ako sa higaan at pinilit kong matulog ulit. Kaya nga lang, nawala na ang antok ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at pumunta sa cr. Nag shower, toothbrush at nagbihis. Nakasuot ako ng blue cookie monster t-shirt at blue shorts. Sinuklay ko ang buhok ko at lumabas na ng cr.

Humiga ako at tumingin na lang sa kisame. Pumunta kami kahapon sa shop ng kaibigan ko. Kinuha ko ang mga damit at pumunta na lang kami sa Star Bucks para tumambay.

Ano kaya ang gagawin ko ngayon. Hindi na ako inaantok. Hmm...

Teka, ba't feeling ko may nakalimutan akong gawin.  Ano nga yun? Hmmm...

TAMA! Yung singsing na nakita ko kahapon. Pumunta ako sa gilid ng pinto at nakita ko ang pantalon na ginamit ko kahapon.

Kinuha ko ang singsing at pinagmasdan ito'ng mabuti. Ang ganda. Gold at merong maliit na red diamonds. May nakasulat sa loob pero hindi ko maitindihan.

Hindi ko alam kung gaano na katagal ako nakatingin sa singsing nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Claire at mukhang nagulat siya ng makita niya akong gising na.

"Mistress Kaith, ang aga niyo po gumising."

"Oo nga e. Teka, nasaan pala si papa? Hindi ko siya nakita kahapon."

"Ah, sabi niya may pupuntahan siya. Hindi niya sinabi kung saan pero sabi niya next 2 weeks pa siya babalik."

Napabuntong-hininga ako. Hay, trabaho na lang lagi ang nasa isip niya. Baka magkasakit siya sa kakabyahe nya. Daig niya pa ang presidente ng pinas

"Ah, okay. Sige, maglalakad-lakad lang ako." Pumunta ako sa maliit ko na cabinet at isinuot ang kwentas na may lock. Yung nakita ko sa may bintana.

"H-ha? It's only five in the morning at baka may mangyari na masama sayo sa labas!."

"Wag kang magaalala. Kaya ko ang sarili ko at tsaka, tulog pa ang mga kidnapers at holdapers. Hindi pa sila gising ng ganitong oras." Tumawa ako.

"Mistress Kaith, h-hindi po nakakatawa."

"Joke lang. But seriously, wag kang mag alala. Kaya ko na talaga ang sarili ko." Ngumiti ako at lumabas na ng kwarto.

Lumabas ako ng bahay at kinuha ang bike ko at lumabas na ng gate. Grabe, ang ginaw! Ba't hindi ako nagsuot ng jacket? Aish, bahala na nga.

Naglibot-libot ako sa park na malapit lang sa bahay. May mga tao na nagjojoging at yung iba tumatambay lang.

Tumigil ako sa 7-eleven at bumili ng pagkain. Umupo ako sa gilid at kumain. Pagkatapos ko, lumabas na ako at bago pa ako umalis, meron akong napansin na maliit na box na gumagalaw. Mabilis ko ito nilapitan at binuksan.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Isang tuta na mukhang may sakit ang nasa loob ng box. Ang mas nakakagulat ay isang Yorkie ito. Mahal kaya tuh.

Kinuha ko siya sa box at napansin ko na meron siyang sugat sa dibdib at mukhang malalim ito. Inilagay ko siya sa basket ng bike ko at nagbike na pauwi.

Malapit na sana ako sa bahay ng may napansin ako sa may gilid ng kalsada. Tumigil ako at nakita ko na may limang babae.  Yung isa nakasandal sa pader at napansin ko na may dugo sa kanyang labi. Yung isa, nasa harapan ng babae na may dugo sa labi. Mukhang pinoprotektahan niya ito.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon