Chapter 2

151 5 2
                                    

~Kaith~
During math period namin, wala pa ang professor kaya ang ibang kaklase ko naglalaro sa cellphone at ang iba naman nagkukuwentuhan lang. Lumabas ako at nagtungo sa library. Masyado kasing maingay. Kahit full volume na ang music, naririnig ko pa rin ang pinaguusapan nila.

Pag pasok ko, walang kahit isa na estudyante sa library. Nakakapanibago naman. Kasi kapag ganitong oras, maraming estudyante na natutulog at tumatambay lang.

Umupo ako malapit sa bintana at nakinig ng music. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang kanta. Ang kanta ay Dance With My Father. Bigla ako nalungkot. Naalala ko kasi si Papa. Don't get me wrong, Buhay pa po ang tatay ko. Buhay nga siya pero bigla na mang namatay ang kilala kong papa nung namatay "siya".

"What are you doing here?" Minulat ko muli ang mga mata ko at nakita ko si Storm. Ano'ng problema nito?

"I can go wherever I want. At ano'ng pakialam mo? Wala pa nga akong ginagawa sa'yo" 

"Nag tatanong lang ako. Can I sit with you?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kung napapansin mo, maraming upuan sa paligid."

"Alam ko. Trip ko lang kasi." Bago pa ako makaangal sa kanya, umupo siya sa tabi ko. Pwde naman sa kabila, diba?

"So, ang bilis talaga kumalat ang balita noh? Ilang araw pa lang ang lumilipas pero alam na agad nila na natalo mo ako." Tumawa siya.

"E ano naman kung natalo ka? Hindi ka naman namatay eh. It's no big deal." I shrug.

"Para sa'yo it's not a big deal pero sa akin oo. Yun lang kasi ang tanging paraan." Tumingin siya sa labas.

"Ano'ng-"

"Good afternoon! We would like to inform all students that afternoon classes will be canceled because of an emergency. Everyone is expected to go home. Classes will resume tomorrow. Thank you! "

Pagkatapos nun, tumayo agad si Storm. "Well, kailangan na natin umuwi. I'll see you around, Clearwater." Lumakad siya palabas ng library.

Ano'ng nakain ni Storm na nagkakaganyan siya? Usually, tuwing naguusap kami, ang cold niya sa akin. Pero kanina, hindi eh. Ibang Storm yun kanina.

Tumayo ako at lumabas ng library. Papunta ako sa classroom namin nang bigla akong hinila sa isang madilim na room.

"Huy, sino ka, ha?! Ba't mo ako hinila dito?" Sigaw ko.

"Makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko. 3 buwan ang ibibigay sa inyo upang makapaghanda sa padating na giyera. Maghanda ka. Laban ito ng kalahi mo at ang kaaway niyo ay higit pa sa demonyo. Bilisan mo, buksan mo na ang tunay mo na pagkatao bago mawala sa'yo ang lahat, Con alas lobo." Bigla nawala ang nagsalita at lumiwanag ang silid.

Kinakabahan. Yun ang nararamdaman ko ngayon. Maraming tanong ang nasa isip ko ngayon pero ito lang ang gusto ko malaman. Ano'ng connection nun sa akin?

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon