Chapter 28

72 5 3
                                    

~Kaith~

Lumabas na ako ng kwarto ko since alam ko na nagtago si Keith sa ibang room. At siguro nahanap na rin siya pero tumakbo lang para hindi mahabol.

Bumaba na ako at nagulat nalang ako ng may lumapit sa akin na kulay blue na butterfly. Ang ganda niya.


Tumigil siya sa paglipat at pumunta sa kamay ko. Pinagmasdan ko ito. Sobrang ganda niya. Nagulat nalang ako ng napansin ko na merong shade na green sa pakpak niya.


Teka, kulay blue at merong green?


"KEITH!!!"


Muntik na lumabas ang kaluluwa ko dun ah. Lumingon ako at nakita ang mga kapatid ko.


"A-Ah, kuya si-"


"Nasaan si Kaith?" Tanong ni Kuya Luke na parang natataranta.


"Kuya, si Kaith po tuh."


"A-ANO???!!!"


"Kaith, nasaan ang kakambal mo?"


"Ha? Akala ko nahanap niyo na siya?"


Tumingin si kuya Luke kay kuya Kian at tumango. Tumingin sila sa akin at hinawakan ni kuya Kian ang balikat ko.


"Dito ka lang kasama ni Matt. Kahit anong mangyari, wag kang lalabas o umalis sa tabi niya." Seryoso niyang sabi sa akin.


"Anong-"


Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil lumabas sila ni kuya Luke at Kian at umupo kami sa sofa ni kuya Matt.


"Kuya, may nangyari ba kay Keith?"

Hindi niya ako sinagot at yumuko lang siya...


"Kuya, bakit hindi mo masagot ang tanong ko? May nangyari ba?"


No answer


"Kuya naman eh-"


"Wala. Walang may nangyari sa kanya." Sabi niya at nginitian ako. Pero, bakit ramdam ko may nangyari?


Ilang oras na kami nakaupo sa sofa at natataranta na talaga ako. What's happening? Masaya lang kami kanina at ngayon ano? Magiging masama? Sana ayos lang si Keith.


"Ba't ang tagal nila?" Bulong ni Matt pero narinig ko yun.


"Baka pinagtitripan sila ni Keith. Alam mo naman yun." Sabi ko sabay tawa.


Ngumiti siya "Siguro."


Sana nga...


~Luke~

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon