Lumipas ang mga araw, at linggo, ganun pa rin ang takbo ng buhay ko dito sa mansion. Ang kaibahan lang siguro ay hindi ko na masyadong nakakausap si senyora dahil naging abala siya nitong mga nakaaraang araw at palaging may lakad. Maayos na rin 'yon para saakin para wala nang masabi ang mga inggiterang katulong rito.
Nandito ako ngayon sa malaking sala na nasa unang palapag nang mansion. Gamit ang pamunas at feather duster, nilinisan ko ang mga muwebles at litratong nakadisplay. Napatitig ako sa napakalaking portrait na nakadikit sa dingding. Ang gandang lahi talaga nang mga Alvarado.
Sa kanan ay si Senyor Sebastian. Mapapansin ang makakapal nitong kilay at pilikmata at ang striktong nitong tindig. Lahat naman yata sa pamilya nila ay mayroong nakakaakit at makakakapal na kilay at pilik-mata. Maging ang napakatangos nilang ilong ay mapapansin rin.
Sa kanan niya ay si Senyora Almira. Kabaligtaran ng seryoso at striktong awra nang senyor, si senyora ay mayroong napakalaking ngiti sa labi. Makikita ang kasiyahan sa kaniyang mga mata. Nakakalungkot lang at nabawasan ang kislap ng mga mata iya nang mamatay ang senyor isang taon mula nang napadpad kami rito ni nanay.
Nakaupo naman ang mga senyorito. Batang-bata pa sila sa litrato. Si senyorito Ezequiel at senyorito Rafael ay hazel brown ang kulay ng mga mata na nakuha nil amula sa ina. Samantalang si senyorito Javier naman ay kulay emerald ang mata na nagmana sa ama.
Senyorito Javier
Ang guwapo na niya simula pa noon. Limang taon ang agwat namin pero siya ang pinaka naging malapit saakin noon dahil siya lang ang palaging natitira rito sa bahay. Pero kinailangan niyang lumipad papuntang espanya para mag-aral at dahil na rin gusto siyang kunin ng kaniyang lolo, si Don Gonzalo. Gusto ko siyang pigilan noon pero hindi naman puwede. Katulong lang ako at isa siya sa mga amo ko. Kahit pa itinuring niya akong kaibigan, wala pa rin akong karapatang magsalita para sa mga taong pinagtatrabahuan ko.
"Isabella, nakatunganga ka riyan hija. Ok ka lang ba?" Narinig ko ang tawag ni manang Lorna.
"Ayos lang po manang. Namamangha pa rin po sa anyo nila"
Nginitian ako ni manang at tumayo sa tabi ko. Mas matagal na si manang rito kaya nasubaybayan niya ang paglaki nangmga senyorito.
"Ako nga rin. Kahit pa'y kasama nila ako habang lumalaki hindi pa rin ako nasanay sa taglay nilang kagandahan. Mababait pa kahit saating mahihirap kaya laking bilib ko kay senyora at napalaki niyang Mabuti ang mga anak"
Alam kong malapit na sa puso ni manang ang pamilya Alvarado dahil sila ang tumulong sa kaniya noong oras na naghihirap siya. Hindi ko alam ang buong storya pero palagi kong naririnig kay manang kung gaano kalaki ang utang na loob niya sa mga Alvarado.
"O'sya, magtrabaho na tayo nang matapos ng maaga"
Tinapos ko ang ang mga dapat kong linisin kaya maago akong nakapahgpahinga sa kuwarto ko. Inabot ko nalang ang sketchpad at pumunta sa hardin para roon humanap ng inspirasyon sa damit na dinidisenyo.
BINABASA MO ANG
REACHING THE RICHEST
RomanceRICHEST TRILOGY 1 Isabella Santiago is the daughter of one of the most trusted maid of the Alvarado's. One day, her mother died due to heart complications so she was left to stay and work for the said family. She had to stop from going to college be...