Cuarenta y Cuatro

874 21 0
                                    

Nag extend ako ng isa pang linggo sa Pilipinas para ayusin ang lahat sa pagitan naming ni Javier. Naging maayos ang takbo ng relasyon naming at nabalitaan ko nalang na nakulong na ang tatay ni Mariana at bumagsak na ang Negosyo nila. Kinasuhan rin siya ng iba pang mga kompanya dahil sa pansusuhol sa media kaya sumasailalim pa siya sa mga court trials.

\

HInatid namin kanianng umaga sina kuya sa airport pabalik sa Italy. Pagkatapos ay may plano pang puntahan si Javier pero hindi niya sinasabi sakin kahit pa kanina ko pa tinatanong.


"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Hindi kasi pamilyar ang daang tinatahak naming. Knaina pa siya ankangiti at pasipo- sipol. Kahit anong gawin kong pangungulit ay sinusulyapan niya lang ako't sinasagot ng ngiti.


"We're almost there." Kokonti lang ang mga gusali sa lugar. Mas maraming sakahan at malalawak na kalupaan kaya maaliwalas tingnan.


Tumigil kami sa isang katamtaman sa laking gusali na may malawak na bakuran. Maraming batang naglalaro sa bakuran nilang may maliit na playground sa gilid.


"Let's go?" binuksan ni Javier ang pinto s abanda ko't hinawakan ang bewang ko at hinila ako papasok sa malaking gate.


"Hope and Love orphanage?"binasa ko ang signage na nakapaskil sa gate.


"Yep. My mom funds this with her charity events." Tumingala ako sakanya.


"B-bakit tayo nandito?" sinisigurado ko lang kung tama ba ang naiisip kong dahilan.


Bumuntong hininga siya bago sumagot.


"I just thought... Maybe we can find a new member of the family here. We'll just meet the children here." Malumanay niyang sabi. Napayuko ako dahil tama ang hinala ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.


"Do you want a child?" nag- aalangan kong tanong.


"I want to have a family with you, Isabella." Sinsero niyang saad.


"We can back out if you want too. I won't force you for something you don't like. Just tell me." Nakatitig lang siya sa'kin habang hinihintay ang desisyon ko. Pumikit ako ng mariin at sinulyapan ang mga batang naglalaro.


Mahihirapan akong makabuo ulit, marahil ay imposible. Gusto ko rin namang magkaroon ng sariling pamilya, ng anak. Pero, hindi ko alam kung handa na ba 'ko. Hindi naman masamang sumubok. Tutal kikilalanin pa lang naman namin ang mga bata.


"Subukan natin? Pag-uusapan pa naman natin 'to ng masinsinan diba?" ngumiti siya saakin at hinila ako para yakapin.


"Ofcourse. Let's go?" tuamngo ako. Tinulak niya ang gate at dumiretso kami sa loob, dinaanan lang ang mga batang naglalaro roon. May mga madre sa loob na naghihintay saamin. Inaasahan na pala nila kaming dumating.


"Mr. Alvarado. Salamat at kayo'y napabisita." Nagmano si Javier sa madre, kaya gan'on rin ang ginawa ko.

REACHING THE RICHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon