Treinta y otso

761 15 0
                                    

Nakangiti ng matamis si senyora Almira habang hinahaplos ang braso ko. Nasa likuran niya ang mga anak na nakikinig lang sa usapan.


"Hija, do you mind if I ask you to come with us?" naptigagal ako.



"P-po?"


"I haven't seen you for years hija, I just want to catch up. Gusto ko ring humingi ng tawad tungkol sa nangyari noon." Mababahiran ng pagsisi at lungkot ang boses niya.


"Uhh, ok na po ako senyora, uhh ayos na po.." nailing kong sabi.


"No, it's not. Pwede bang samahan mo kaming kumain sa labas? I want to talk to you. Saglit lang naman hija, please? For old times sake?" nagmamakaawang sabi ni senyora. Hindi ako agad nakasagot. Tumingina ko sa gawi ni Javier para humingi ng tulong. Bumuga siya ng hangin at nilapitan ang ina.


"Ma, we should let her go, she must be tired." Mahinang bulong ni Javier kay senyora.


"No, hijo. Please, hija? Babalik na ako sa mansyon bukas. This is the only time I can talk to you. Please?" wala akong magawa. Dahan dahan akong tumango bilang pagsang- ayon. Malawak na ngumit ang senyora at bigla akong kinulong sa yakap.


"Thank you hija. Let's go?" Aya niya saamin. Nauna siyang umalis kasunod ang dalawang senyorito. Nagpahuli si Javier para alalayan ako sa braso.


"I'm sorry for dragging you into this. I don't know what's gotten into mama to invite you over. I'm sorry." Nagsisisi niyang sabi.


"It's ok. You don't have to apologize for everything. It's starting to annoy me." Natigilan siya sandal at tumango. Nakasunod lang siya saakina t parang nagbabantay. Hindi ko alam kung bakit siya umaaktong parang bodyguard lagi.


Nang makababa ng building, dumiretso kami sa parking lot sa likod kung saan nakapark ang sasakyan ni Javier at ng iba.


"Let's just meet at the restaurant, Javier. Take care of Isabella." Sabi ni senyora sa anak at binaling ang tingin saakin.


"Stay with Javier. See you at the reastaurant hija." Pagpapaalam ni senyora at sumakay sa itim na van kasama ang kanyang mga bodyguard.


Lumapit naman ang dalawa niyang kapatid saamin.


"Nice meeting you again, Isabella." Niyakap ako ng mahigpit ni Rafa pero agad naman siyang bumitiw at tumawa.


"Ansama ng tingin mo sa'kin bro... Anyway, I can't come with you. I have somewhere else to go. See you next time, Isabella." Tinapik niya ang kapatid at umalis gamit ang sariling sasakyan.


Naiwan si Ezequiel na nakatingin lang saaming dalawa ni Javier. Pailing- iling siyang ngumingiti habang nakatitig saamin.


"What's your problem?" masungit na saad ni Javier.


REACHING THE RICHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon