Veintiseis

662 17 0
                                    


Buong araw akong hindi lumabas ng kuwarto kahapon. Ngayon nama'y kaninang umaga pa 'ko kinakatok ni manang para kumain. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko. Gusto niya akong pasukin at siguraduhing ok lang ako pero, hindi ko binuksan ang pinto.


Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Buong gabi akong hindi nakatulog sap ag-iisip kung anong nangyari, kung anong kulang saakin, kung may nagawa ba 'kong mali o kung msarili ko mismo yung mali.


Buong gabi ko sinisi ang sarili ko. Buong gabi ko pinagdudahan ang sarili ko. Buong gabi kong hinusgahan ang sarili ko. Buong gabi kong inisp ang mga pagkakamali ko.


Pero lahat 'yon, hindi ko maintindihan. Gusto kong maintindihan. Gusto kong marinig mismo kay Javier kung anong mali saakin, kung kasalanan ko ba o kung.. ginamit niya lang akong pampalipas oras.


Nagising ako nang may kumatok sa kuwarto ko. Malamang ay si manang na naman ito para palalahanan akong kumain dahil oras na ngayon para magtanghalian.


"Manang, masama po pakiramdam ko, mamaya nalang po ako kakain." Tinuyo ko ang mga luha sa mukha ko at pinilit pakalmahin ang sarili. Umupo ako't inayos ang buhok tapos tumulala.


"Hija, lumabas ka na riyan. Gusto ni senyora na sumabay ka sakanya." Napabuntomng hininga ako at napipilitang tumayo. Pinunasan ko ang mukha ko sa huling beses at huminga ng malalim.


"Opo, susunod na." Naisip ko bigla, mukhang kailangan ko nang magtrabaho ng maayos rito sa mansyon ulit dahil malabong dadalhin ako ulit ni Javier sa Maynila. Pagkatapos ng lahat, hindi naman pala talaga noya ko kailangan doon.


Napatawa ako ng mapakla at inalis lahat ng negatibong nasa isip pagkatapos at pinilit ngumiti. Hindi ako puwedeng magpakita sakanila na umiiyak at nasasaktan, dahil wala silang alam at hindi na rin naman nila malalaman.


"Senyora" nakaupo na siya sad ulo ng lamesa.


"Hija, hi! Come here, sabayan mo kong kumain." Tumango ako't umupo sa tabi niya.


Wala akong ganang kumain pero wala akong mapagpipilian. Dahan dahan lang ako sa pagsubo at pahirapan sa paglunok. Medyo nahihilp pa 'kot naduduwal.


"Hija, are you ok? You look sick." Tumango tango ako't ngumiti.


"Ayos lang po ako."


"I don't know what's going on, or what's the problem but hold on, ok? You look so down these past few days. I'm here, you can always tell me what's wrong. Hmm?" parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ni senyora. Pero lalo lang rin akong nasaktan sa narinig.


Nanlabo ang paningin ko sa luhang pinipigilan. Nahihilo ako. Hinigpitan ko ang hawak sa gilid ng lamesa at pinilit na huwag ipakita ang nararamdaman.


"Salamat p---


Hindi ko natuloy ang sasabihin nang dali dali akong tumayo at tumakbo papuntang banyo para sumuka. Sobrang sama ng pakiramdam ko at ang sakit ng tiyan ko. Nahihilo rin ako.

REACHING THE RICHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon