Veintiocho

734 21 4
                                    

"Hija, pwede k-ko namang pakiusapan si senyora, wag ka nalang umalis. Wala kang mapupuntahan, hija." umiiyak na sabi ni manang saakit habang tinutulungan akong bitbitin ang mga gamit.


Kanina pa 'ko tumigil sa pag- iyak dahil ayokong lumabas rito ng luhaan. Sobrang swerte ko nang mapadpad ako rito at hindi matutumbasan ng simpleng Salamat ang lahat ng naitulong ng pamilya Alvarado saakin at kay nanay. Kaya kung ito man ang huli, hindi ko na sila papahirapan pang paalisin ako.


"Manang... Kaya ko na po ang sarili ko. A-alagaan niyo po ang sarili nyo ha? Tumatanda ka na, kaya wag mong pabayaan ang kalusugan mo." Pabiro kong sabi kahit pa nanginginig ang boses.


Sa huling pagkakataon, niyakap ako ng mahigpit ni manang at humagulgol sa balikat ko habang hinahaplos ang likod ko.


"Mag-iingat ka ha? Mag-ingat ka hija." Tumango ako't kumalas sa yakap.


Sa huling pagkakataon, inilibot ko ang tingin sa loob ng mansyon. Mamimiss ko ang lugar na 'to, maging ang mga naninirahan dito. Pero kailangan ko nang magpaalam.


Nakayuko akong lumabas ng mansyon at hindi na muling lumingon pa. Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ko habang humahakbang papalayo, papalabas ng gate.


Hindi naging maganda ang huling ala- ala ko sa lugar na 'to, pero maraming masasayang ala- ala ang ipinabaon nito sa'kin.


Napatigil ako sa paglalakad at tumabi mula sa daan dahil binuksan ng guard ang gate at may papasok na sasakyan.


Tumigil ito sa harap ko. Lumabas si senyorito Ezequiel mula sa kotse at nagugulat akong tiningnan at ang bagaheng dala ko.


Ilang linggo na rin pala mula nang huli ko siyang makita ahil madalang nalang siyang umuuwi rito. Sinalubong ko ang tingin niya ng may pilit na ngiti sa labi.


"What is the meaning of this? Saan ka pupunta?"


"Senyorito, aalis na po ako."


"Bakit? Anong nangyari? And.. why are you crying?!" pinalis ko ang butil ng luhang lumandas sa pisngi ko.


"Sila nalang po siguro ang magkukwento sainyo senyorito. Masaya po akong pagsilbihan kayo, mag-iingat kayo lagi. Hindi ko po kayo makakalimutan." Pinigilan kong humikbi.


Hindi alam ni senyorito Zeke ang gagawin. Nakatayo lang siya sa harapan ko habang iniitindi ang nangyayari.


"Let's go inside first, and we'll figure this out, ok? Shh, stop crying. Ano ba kasing ginagawa ni Javier?!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni senyorito Zeke.


"Kuya, just let her be." Pareho kaming napalingon ni senyorito Zeke nang magsalita si Javier na nasa likod ko lang. Bigla nalang kumirot ang puso ko pagkakita palang sa kanya. Wala siyang pinapakitang emosyon, at lalo lang akong nanghihhina.


"Let's not keep a thief and a gold digger. I'm tired of her anyway, and she's not even worth it." Para akong binagsakan ng bomba sa narinig. Kulang pa ba? Mas masakit pala ang mga salitang 'yon lalo na kapag galling sa taong pinakamamahal mo.

REACHING THE RICHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon