'Êtes-vous tous prêts?' Tanong ko sa mga models na nakastand- by na pagkatapos mag make- up at magbihis.
Hindi ako mapirmi at nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba. Humihinga ako ng malalim para sana maibsan ang kabang nararamdaman pero, wala par in.
"Chill lang gaga. Namumutla ka na oh, ready na ang lahat wag ka nang kabahan." Pabulong na sabi ni Fritz. Kaming dalawa lang naman ang nagkakaintindihan ditp dahil kami lang din ang pinoy.
"Marami na bang tao? Nasususka ako sa kaba." Maluha luha kong sabi.
"Kadiri ka! Wag kang susuka, nakakahiya namang amoy suka ka habang nags-speech mamaya." Konti nalang talaga, babatukan ko na 'tong babaeng 'to.
"Tara tingnan natin kung gaano karami ang nasa labas." Hinila niya ako papunta sa tv kung saan makikita ang harapan ng venue.
Nagulat naman akos a sobrang daming tao. May mga kilalang actress, at mga politico. May mga media outlet rin maging malalaking fashion influencers at kilalang business men. Lalo lang nadagdagan ang kaba ko.
NAhagilap ko si mommy Ellaine, si papa, si kuya Isaac, at si ate Cris na kandong si Heaven sa tapat mismo ng runway. Napangiti ako at pilit tinatatagan ang loob. Sa layo ng narrating ko, sila yung nasa tabi ko kaya kakayanin ko 'to at tatapusin ng matagumpay.
"5 minutes to the runway." Anunsyo ng organizer. Pumila na ang mga modelo sa backstage. Niyakap ako ni Fritz na pinapalakas ang loob ko.
Umalis na si Fritz at tinulungan ang iba pang staffs sa finishing touches habang tutok ako sa monitor. Parang ang tagal naman ng 5 minutes, naiihi na 'ko.
"Isabella." Nakuha ni Philippe ang atensyon ko. Hindi ko man lang napansin na nasa tabi ko na pala siya.
"See what you've become, Isabella. These? These are all because of you efforts. You've done so much to reach the peak, girl." Mas naappreciate ko ang mga tao at ang runway habang nakikinig sa sinasabi ni Philippe. Tama nga siya. Saakin 'to. Dahil saakin.
"Come here." hinila niya ako at niyakap.
"I'm proud of you. I won't be surprised that one day, you'll eventually outdone me. You're talented, and smart young lady. I can't believe I helped you achieve all this. You really did follow everything I taught you." I heard him sniffle.
"You're my descendant. Go and heat up the stage, darling." Nakangiti siyang umalis. Tinatawag na rin kasi siya ng organizer dahil siya ang magsisimula ng show.
Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha. Hindi ako makapaniwala, nanditp na 'ko. Narating ko na ang pangarap ko. Makikita na ng lahat ang mga gawa ko.
"Today's event is not for me, nor my brand 'Phils'..." pagsisimula ni Philippe.
"This is for an amazing lady who worked with me these past years. I saw how she grew, and how she improved. She was my student, and now, she's my business partner. She's young yet talented. I present to you, Vingt- deux's first ever runway show by Isabella Santiago." Nagpalakpakan ang mga tao. Kasabay n'on ang pagdili ng paligid at ang pagtutok ng spotlight sa runway.
BINABASA MO ANG
REACHING THE RICHEST
RomanceRICHEST TRILOGY 1 Isabella Santiago is the daughter of one of the most trusted maid of the Alvarado's. One day, her mother died due to heart complications so she was left to stay and work for the said family. She had to stop from going to college be...