Cuarenta y tres

779 21 0
                                    


"Javier!" patakbo akong lumapit sakanya at tumalon para yakapin siya. Nakapulupot ang braso ko sa leeg niya at ang mga binti ko naman ay nasa bewang niya. Wala akong pakialam kung nakatingin ang pamilya ko basta masaya ako't nagpapasalamat.


"Thank you. Thank you. Thank you!" sunod sunod kong sabi habang humahagulgol. Tumawa siya ng bahagya at naglakad papasok.


"Hey, stop crying. It's done. Everything will be back to normal, hmm? Stop crying." Pang-aalo niya. Umupo siya kaya nakakandong ako sakanya ngayon.


"Ehem!" eksaheradong pag-ubo ni kuya Isaac. Masamaa ng tingin niya saamin dalawa. Samantalang malamlam at natutuwa kaming tinatanaw ni papa at ni mommy.


Umalis ako mula sa pagkakakandong at umupo ng maayos sa tabi niya.


"You did great. But that doesn't mean I forgive you for causing pain to my sister." Pagalit niyang sabi. Sinita siya ni daddy at sinamaan ng tingin kaya humalukipkip nalang siya sa tabi.


"Thank you, Javier. Thank you for helping my daughter." Sinsering saad ni papa. Hinawakan ko ang kamay ni Javier. Pinisil niya ito bago sinagot si papa.


"No problem, sir. I just did what's best for her. I'd like to see Mariana suffer after what she did." Sumang-ayon si papa sa gusto niyang mangyari.


May maikli pang usapang naganap. Tahimik lang akong nakikinig pero natutuwang pinagmamasdan sila. Si Javier, kausap ang pamilya ko. At ang pamilya kong tanggap si Javier. Matagal ko na 'tong pinapangarap.


"Uhm, we should head downstairs. My family is waiting there. They want to share a meal with Isabella's damily." Nanalaki ang mata ko sa narinig. Nasa baba sina senyora? At maghaharap sila ng pamilya ko?


Pumayag sina papa kaya nagmadali kaming lahat na mag-ayos. Lumapit si kuya saakin bago lumabas at bumulong.


"Naku, mukhang mamamnhikan na ah. I won't give my blessing." Umirap pa siya bago naglakad palayo. Kahit kalian talaga 'to si Isaac.


"Let's go?" aya ni Javier. Inangkla ko ang braso sakanya at sabay kaming naglakad.


Nagsiksikan kaming lahat sa elevator. Nagbabangayan si ate Cris at kuya Isaac sa likod kung sino bang mas magaling makipagsuntukan sa kanila. Nagchicheer naman si Heaven para kay ate Cris. Ewan ko, ang weird nilang dalawa pareho.


"You guys looks better together." Bulong ni mommy Ellaine saakin. Namula ang pisngi ko at sinulyapan si Javier. Ngumiti ito't kinindatan ako.


"Thank you 'my."


"Good thing it worked out." Tinapik niya ko't bumalik sa pakikipag-usap kay papa.


Narating ang lobby ng hotel. Dumiretso kami sa restaurant. Madalas ay maraming tao rito kapag ganitong oras. Pero tanging isang mahabang mesa lang ang makikita sa loob, at nakaupo sina senyora at ang dalawa pang anak nito.

REACHING THE RICHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon