"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko kay Javier na bitbit ang dalawang malalaking maleta. Abala naman ako sa pagsusuklay ng buhok. Bigla nalang kasi niya akong ginsing na aalis kami, at may pupuntahan. Kaya natataranta akong naligo at naghanda. Siya na rin ang nag-impake ng mga gamit ko, maging sakanya.
Alas- diez na rin pala at hindi pa kami nag-agahan. May lalaking pumasok sa unit at kinuha ang dalawang maleta mula kay Javier.
"He's Robert. He'll be our Butler for the next three days." Iginaya na niya ako palabas ng pinto habang nakapulot ang braso sa bewang ko.
"Saan nga kasi tayo pupunta? Tsaka 3 days? Wala ka bang trabaho?" sunod- sunod kong tanong.
"My people can handle the workload. I'm bringing you to Cebu." Napatigil ako sa sinabi niya.
"Ha?! Diba malayo yun? Javier, huwag mo naman akong binibigla lagi. Isali mo rin kaya ako sa mga plano mo minsan?" Nakapameywang kong sabi. Tinawanan niya lang ako at hinila tapos ipinalik ang pagkapulupot ng kamay sa beywang ko.
May naghihintay nang van saamin pagbaba at nailagay na rin ng Butler ang mga gamit. May driver na nagmaneho ng sasakyan papuntang airport at ibinaba kami sa harap mismo ng eroplano. Namangha naman ako sa laki n'on. Unang beses kong makakita at makasakay ng eroplano sa tanang buhay ko kaya hindi ko maiwasang humanga.
"Wow, Javier ang ganda. Pero bakit walang ibang tao?" napansin kong kami lang at ang Butler ang sasakay. Inilipat na rin nila ang mga gamit s aeroplano at sumunod kami ni Javier.
"It's because this is a private plane. Therefore, everything here is for us."
Kung manghang- mangha ako sa labas ng eroplano, mas lalong nakakahanga ang loob. Napaka-gara ng dating.
Umupo na kami ni Javier. Magkaharap kaming dalawa dahil mayroong maliit na lames asa gitna at wine.
"Ezequiel owns this plane. I just borrowed it from him." Alam kong mayaman ang mga Alvarado pero nakakagulat pa rin ang yaman nila.
"Kay senyorito Zeke?!" hindi ko makapaniwalang bulalas. Tumango lang siya.
Hinayaan ko ang sariling suyurin ang eroplano buong byahe. Nakatulog rin ako ng saglit at sandaling kulitan at walang kwentuhan kay Javier. Sabihin ba naman niyang kaya niyang bilhin ang buong Cebu kung kailangan. Diba? Parang tanga rin siya minsan eh.
"We're here." Imporma niya saakin habang naglalanding ang eroplano. TInulungan niya akong alisin ang seatbelt at inayos ang sarili bago lumabas. Kagaya kanina, may van na namang naghihintay sa labas. Binigay ng driver ang susi sa Butler at siya na rin ang nagdrive.
"Javier. Nakapunta ka na ng Cebu dati?" kuryoso kong tanong.
"Hmm. I can't remember. I think i did, when I was a kid. Why?"
Inilibot ko ang tingin sa mga gusaling dinadaanan.
BINABASA MO ANG
REACHING THE RICHEST
RomanceRICHEST TRILOGY 1 Isabella Santiago is the daughter of one of the most trusted maid of the Alvarado's. One day, her mother died due to heart complications so she was left to stay and work for the said family. She had to stop from going to college be...