"Mommy! Mommy!" Nilingon ko tumatakbong si Heaven. Nagdadalaga na talaga ang pamangkin ko. Parang noon lang pinanggigilan ko pa mga pisngi habang karga karga.
"Oh bakit?" Naiiyak siyang kumspit sa'kin.
Dinala namin ni Javier sina Samuel at Miracle dito sa Vineyard ni papa sa Italy. Nanatili na kasi kami sa Pilipinas pagkatapos kaming ikasal dahil naron isa- isa nang ginagawa ang mga boutique ko sa lahat ng malls nila sa Pilipinas.
"Samuel won't talk to me! He said I'm ugly so he doesn't want me to be his cousin!" Naiiyak nitong sumbong.
Hindi ito ang unang beses na nagkita sila. Pero ganito rin ang eksena sa una nilang pagkikita. Ayaw siyang pansinin ni Samuel at kahit anong pangaral namon ay ganoon pa rin. Hindi namin alam ang problema.
"Ohh.. uh.. just be patient with him, ok?" Pang-aalo ko.
"I am being patient, mommy. But.... But.... Am I really ugly?" Nagsimula na itong humagulgol. Natawa ako dahil iyon pala talaga ang dahilan kung bakit siya umiiyak
"Ofcourse not! You're the prettiest, baby." Pinunasan ko ang luha niya.
"What did Samuel do this time?" Sumulpot si Javier sa likod ko habang karga si Miracle. Apat na tao gulang na ito. Habang tumatagal, nakikita ang resemblance ng dalawa. Nakuha nito ang mata at pilik- mata ni Javier.
"He told me I'm ugly po! That's not true daddy, right?" Mula noong kinasal kami ni Javier, daddy na rin ang tawag niya rito. Hindi naman umaangal si kuya Isaac dahil nagkaayos na rin ang dalawa.
"Ofcourse not. I'm sure he didn't mean it. Just go play with Miracle." Binaba ni Javier si Miracle.
Hinawakan ni Heaven ang kamay ni Miracle at inalalayan ito habang naglalakad. Tumayo si Javier sa likoran ko at niyakap ako mula sa likod.
"They're growing fast." Napatawa ako sa lungkot ng boses niya. Araw araw niya na kading iniisip ang paglaki ng nga bata at nalulungkot ng sobra.
"Natatakot ka ba?" Tanong ko.
"What if my Samuel will have a girlfriend? Or my Miracle have a boyfriend? I can't let that happen, mi amor. They might leave us." Naiiyak niyang saad. Tinapik ko ang braso niyang nakapulupot saakin at pumihit paharap sakanya.
"Let's just enjoy this moment, hmm? Our children won't leave us. Let's just support them. Kung anong magpapasaya sakanila, basta hindi nila ikakapahamak, susuportahan natin sila." Hinaplos ko ang mukha niya.
Bumunting hininga si Javier at tinanaw si Miracle at Heaven na naglalaro.
"I will. I just can't stop thinking about the future." Ani niya.
Tahimik lang kaming nagmamasid sa paligid. Puno ng kasiyahan at kaginhawaan ang puso ko. Hindi man perpekto ang buhay mag-asawa namin, dahil meron pa ring mga hindi pagkaunawaan, pero hindi naman nababawasan ang pagmamahal namin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
REACHING THE RICHEST
RomanceRICHEST TRILOGY 1 Isabella Santiago is the daughter of one of the most trusted maid of the Alvarado's. One day, her mother died due to heart complications so she was left to stay and work for the said family. She had to stop from going to college be...