"Mamsh, andyan na naman si Mr. Alvarado. Ang aga niyan, nauna pa nga 'yan saakin eh. Bet ka siguro niya, may pabulaklak eh! Kung ayaw mo, akin na lang ha?" ito agad ang bungad saakin ni Fritz. Inirapan ko lang siya at nilampasan. Ano na naman ba ang pakulo nitong lalaking 'to?
Pagkatapos ng lahat, magpapakita siya bigla saakin na parang walang nangyari? Anong laro na naman ba 'to?
"Good morning Mr. Alvarado." Pormal kong abti sakanya pagpasok ko ng opisina. Tumayo siya pagkarating ko at inilahad ang kamay. Hindi ko 'yon tinanggap at inilapag ang mga gamit ko sa lamesa. Napapahiya naman niyang binaba 'yon.
"Uhm... Your staff already sent your version of the terms and also the contract details. My team will finalize it by tomorrow." Nahagip ng mata ko ang isang magandang bouquet ng bulaklak na nasa gilid ng lamesa ko. Napansin niyarin ang pagtingin ko ron kaya natataranta niya 'yong kinuha at inabot saakin.
"For you, mi amor." Napapikit ako ng mahigpit at hindi sinasadyang maihampas ang kamay sa lamesa. Huminga muna ako ng malalim bago dumilat at ngumiti ng matamis kahit pa pilit.
"There's no need for that Mr. Alvarado." Hindi niya ako pinakinggan. Inilapag niya ang Bouquet kung saan ito nakalagay kanina.
"Is there anything else I can do for you?" tanong ko sa kanya. Hindi na siya umiimik at nakatitig lang sa direksyon ko. Wala na kaming pag-uusapan, kaya hindi ko alam kung ano pang hinihintay niya.
"No. No, nothing. I-I just want to talk to you."
"No can do. I have work to do."
"How about lunch? Please, I need to talk to you." Tuluyan nang nawala ang pilit na ngiti sa labi ko dahil sa pangungulit niya. Seryoso ko siyang tiningnan .
"Hindi mo ba naiintindihan? Ayokong makipag-usap sayo, maliban na lang kung tungkol sa trabaho. Please, Javier. Ayokong makipaglaro sa 'yo."
Ayan na naman ang malungkot niyang mata at nagmamakaawang tingin.
"I-I'm sorry. I'm really really sorry. It's just that, I miss you. I miss you so much Isabella." Ayokong makita siya, ayokong marinig ang boses niya. Parang dinudurog ang puso ko lalo. Bumabalik ulit ang mga alaalang hindi ko na gustong balikat.
"Please, leave." Laylay ang balikat siyang tumayo at tumungo sa pinto. Hinarap niya ako ulit at bumuntong hininga.
"The contract signing will be held in the Philippines." Huling sabi niya gamit ang propesyonal na pananlita.
Nagulat ako sa sinabi niya kahit na alam ko namang gan'on ang mangyayari. Kailangan kasi ang mga shareholders or co- owners ng business nila sa contract signing lalo pa't napakalaki ng sakop ng business nila at napakaraming branches sa buong mundo. Isa pa, sa nasa Pilipinas ang karamihan ng branches nila.
Napahilot ako ng sentido. Kakayanin ko pa bang bumalik sa lugar na 'yon? Sobrang sakit ng mga ala-ala ko d'on. At makikita ko ang pamilya niya ulit. Hindi ako handing makit asila lalo na si senyra. Hindi naging maganda ang pag-alis ko sa kanila, at kay senyora pa talaga ako may atraso.
BINABASA MO ANG
REACHING THE RICHEST
RomanceRICHEST TRILOGY 1 Isabella Santiago is the daughter of one of the most trusted maid of the Alvarado's. One day, her mother died due to heart complications so she was left to stay and work for the said family. She had to stop from going to college be...