Ocho

947 24 1
                                    


Maligaya kong tinapos ang lahat ng gawain ko. Pagkatapos ng mga gawain sa gabing 'to, dumiretso ako sa kuwarto at kinuha ang sketchbook ko. Hindi na ako mapakaling gumawa ng bagong mga disenyo. Kailangan kong galingan dahil ayokong mabigo ko si senyora at ayokong mapahiya siya dahil sa gawa ko.


Nagsimula akong gumuhit ng outline. Morena si senyora at maganda ang hubog ng katawan. Hindi mapapansin na mayroon na siyang tatlong anak dahil dalagang- dalaga pa rin siyang tingnan. Sinubukan kong gumuhit ng cocktail dress kaso hindi siya umaayon sa disenyong gagawin ko kaya pinunit ko ang pahina at nag-umpisa ulit.



Ilang beses pa akong nagpaulit ulit. Nakita ko ang disenyong ginawa ko noong nakaraang araw. Pulang gown na may malaking slit sa gitna at may slacks sa loob na gawa sa kaparehong tela. Maganda. Pero may kulang. Nag-isip pa ako ng mga detalyeng pwedeng idagdag pero naputol ang konsentrasyon ko at nagulat na napatayo nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko.


"Ano na namang ginagawa mo rito?!" naiinis kong saad. Bakit ba basta- basta nalang siyang pumapasok sa kuwarto ko ng walang pasabi? Paano nalang kapag nahuli kami? Paano nalang ang plano kong iwasan siya kung hindi niya rin naman ako hinahayaan.


"I'm sleeping here" kaswal niyang saad at hinubad ang pantaas na damit. Nanlaki ang mata ko at namumulang tinakpan ang mukha.


"B-bakit ka naghuhubad?!"


"I sleep naked, mi amor. Come one, let's sleep." Tinapink niya ang espasyo sa tabi niya pero hindi ako lumapit. "What? You still want to stare at my body? I can strip all my clothes for you." Nang-aakit niyang saad. Kinagat niya pa ang labi niya at kumindat. Napaiwas ako ng tingin at sinalat ang noo ko. Pinagpapawisan tuloy ako.


"Ano... sige. S-sa sala nalang ako matutulog" hindi ko na alam ang ginagawa ko basta ang gusto ko lang ay malayo sa kanya. Ang malayo sa temptasyon. Masyado siyang nakakaakit kaya hindi ako puwedeng magtagal sa iisang lugar kasama siya. Baka makagawa na naman kami ng milagro,


"You will lie down beside me or I'll tie you to bed?" para naman akong tutang agad na umupo sa tabi niya.


"Maliit lang ang higaan ko senyorito. Hindi ka po makakatulog ng maayos." Totoo. Pero gusto ko lang talagang umalis siya at matulog sa sariling kuwarto niya. Hindi mapirmi ang puso ko kapag malapit siya, paano na kaya kapag magkatabi kami sa kama, baka hindi ako makatulog.


"That's better. You'll have to sleep on my chest or I'll squeeze you. I love being so close to you, mi amor." Bumangon siya at lumapit sa likod ko. Iginilid niya ang kumpol ng buhok ko at naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Nakikiliti ako, pero mas nakikiliti ang pagkababae ko. Napakagat ako ng labi nang hinalikan niya ang leeg ko.


"Sleep now. We won't do it again for now. I'll wait until it heals, and I will take you for hours in every position" Nanginig ako sa sinabi niya. Bahagya pa siyang tumawa tapos humiga sa kama samantalang pakiramdam ko mawawalan ako ng malay sa sobrang bastos ng bunganga niya. At talagang may plano pa siyang ulitin?!


Hinigit niya ako kaya napahiga ako sa dibdib niya. Pinilit kong umalis at umayos ng pagkakahiga pero pinipigilang niya ang itaas na bahagi ng katawan ko. Pinulupot niya ang matipuno niyang mga braso at mahigpit akong niyakap sabay Gawad ng magaan na halik sa ulo ko.

REACHING THE RICHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon