Warning: Matured Content
"Isabella, darling, there's a delivery coming. Will you please take care of it for me? I have a video conference with investors any minute now. Please?" malumanay na sabi saakin ni senyora. Agad naman akong tumango at hindi na nagtanong kung anong idedeliver. Alam ko na namang mga halaman at paso ang darating dahil buwan buwan naman itong nangyayari. Mahilig talaga sa mga halaman si senyorita.
Nitong mga nakaraang araw, hindi na ako nakakatulog ng maayos dahil sa tuwing pinipikit ko ang mata ko, nakikita ako ang sariling kahalikan si senyorito Javier. Minsan kay nakikita ko ang mga berde niyang mga mata sa tuwing pumipikit ako.
Palagi siyang umaaaligid saakin nitong mga nakaraang araw. Pero hindi niya binanggit ang nangyari noong gabing 'yon. Hulan ko'y lasing siya non at walang maalala, o di kaya'y ayaw niya lang banggitin dahil isa iyong pagkakamali at kailangan nang kalimutan. Alin man sa dalawa, sa diko malamang dahilan, masakit isipin para saakin.
Nang tumawag ang guard para sabihing papasok na ang truck ng pinadeliver ni senyia, lumabas kaagad ako ng bahay at naghintay sa tapat ng pinto. Masakit sa balat ang
"Ma'am saan po ito ilalagay?" tanong ng driver at isa-isang namang bumaba ang mga kalalakihan mula sa likod. Sila ang magbubuhat ng mga paso at halaman papasok.
"Ah, sa garden po manong. Sumunod lang kayo saakin" tumango ito at binukasan ang likod ng truck. May Nakita akong pamilyar na mukha. Si Rico pala. Nakangiti itong lumapit papunta saakin.
"Isabella! Kumusta?" maligaya niyang sabi saakin. Nginitian ko lang siya at kumaway habang papalapalapit siya saakin.
"Ayos lang, Rico. Paano ka pala nakarating dito? Pa'no yung tindahan niyo sa palengke?" nagtataka ako kasi ang alam ko, hindi naman ito ang trabaho niya. Isa pa, baka malagot na naman ito sa nanay niyang napakastrikto.
Natapos nang kumuha ng mga kalalakihan ng paso at mga halaman kaya nagsimula na akong maglakad papuntang garden. Sumasabay naman si Rico saakin habang hawak ang isang paso. Yung iba nga tig-lilimang paso ang dala tapos siya, nakikichismis lang saakin.
"Ah, nalaman ko kasing dito papunta 'tong truck. Kakilala ko kasi yung iba kaya nakisabay na rin ako. Gusto kitang makita eh" Napatawa ako sa kakulitan niya. Ok namna si Rico, matangkad, mapayat tapos maputi. May itsura rin naman tapos medyo singkit. Bali-balita kasi'y nabuntis ng hapon ang nanay niya noong dalaga pa ito at siya ang bunga kaya ganiyan ang itsura niya.
"Loko ka talaga. Sige ilagay niyo nalang diyan sa gilid" pangiti-ngiti pa siyang pumunta sa itinuro ko. Sumunod rin ang iba sa kanya tapos ay bumalik na naman kami sa tapat para kunin ang mga naiwan.
"Kailan ka ulit magagawi sa palengke? Palagi akong nagtatabi ng ipangbu-buy 1 take 1 sa'yo ha"
"Si manang naman kasi talaga ang namamalengke saamin eh. Sakanya mo nalang ibigay ang pa buy 1 take 1 mo" nagtawanan kaming dalawa. Hindi na talaga siya tumulong sa mga kasamahan at nanatili nalang na nakikipagbiruan saakin.
"Isabella" napatigil kami sa pagtawa ni Rico nang maring ang malamig at baritonong boses ni senyorito Javier.
BINABASA MO ANG
REACHING THE RICHEST
RomanceRICHEST TRILOGY 1 Isabella Santiago is the daughter of one of the most trusted maid of the Alvarado's. One day, her mother died due to heart complications so she was left to stay and work for the said family. She had to stop from going to college be...