"Good morning Bella" napangiti ako nang makita si senyorito Javier na papalapit sa lamesa. Ang pogi niya pa rin kahit bagong gising. Nakasuot ako ngayong ng uniporme dahil naghahanda na ako para pumasok sa eskwelahan. Tinulungan ko muna si nanay sa paghahanda ng agahan ng mga Alvarado dahil maya maya pa naman ang pasok ko.
"Magandang umaga po senyorito" masigla kong bati sa kanya. Inilapag ko ang huling ulam sa lamesa. Wala sina senyorito Ezequiel at senyorito Rafael dahil mayroong mahalagang gagawin sa eskwelahan,
"Are you going to school already? Come here, eat with me" masaya ko namang sinunod ang kaniyang sinabi at dali-daling umupo sa tabi niya.
"opo senyorito. Kayo po ba?" kuryoso kong tanong.
"I have class too. My tutor will come here later" sa kanilang magkakapatid, si senyorito Javier lang ang hindi pumapasok sa eskwelahan. Dito lang siya sa mansyon tinuturuan. Ang galing nga eh! Hindi na niya kailangan pag bumyahe papuntang eskwelahan at gumising ng maaga.
Aabutin ko pa lang sana ang pagkain nang biglang pumasok si nanay sa kusina.
"Naku! Halika nga ditong bata ka! Ano bang ginagawa mo riyan" sapilitan akong itinayo ni nanay sa upuan at inilayo kay senyorito. Napasimangot naman ako sa bigla biglang pagsulpot niya.
'Pasensya na rito kay Isabella senyorito. Patawad ho" paulit uli na humihingi ng dispensya si nanay na siyang ikinatawa ni senyorito.
"It's fine. I asked her to eat with me" binaling ni senyorito ang tingin saakin at ngumiti ng matamis "Lika, balik ka na dito"
Tuwang tuwa naman akong bumalik sa pwesto at nagsimula nang kumain.
"You should go home early later. I'll wait for you. I can help you with your assignments if you want" natuwa namna ako sa sinabi niya. Sa wakas at may tutulong na rin saaking sa mga takdang-aralin ko. Hindi kasi ako makahingi ng tulong kay nanay dahil hindi raw siya nakapagtapos ng elementarya. At dahil limang taon ang agwat saakin ni senyorito, siguradong alam na niya ang mga leksyon naming.
"Good morning mi hijo!" masiglang bati ni senyora nang pumasok siya sa kusina.
"Oh, good morning, hija. You look pretty in that uniform" napayuko naman ako sa hiya.
"Thank you po" kung ikukumpara sa kagandahang taglay ni senyora, samahan pa ng kaniyang sopistikadang kilos, aba'y hanggang talampakan niya lang ako kaya hindi ko alam kung maniniwala ako o ano.
"te ves bien juntos, hijo" hindi ko man maintindihan ang sinabi ni señora, hula ko'y tinutudyo niya si senyorito dahil sa nakasimangot na mukha ni senyorito at and malakas na tawa ni señora. Namangha naman ako sa sopistikadang pagtawa ni señorita. Kapag ako kasi ang tumatawa ng ganyan, para akong balyenang kinakapos ng hininga,
"Stop it mama. You're making me uncomfortable!" napatawa na rin ako dahil sa reaksyon ni senyorito.
"Te sientes incómoda porque estás enamorada de ella!" mas lalong natawa si señora dahil sobrag nakasimangot na si senyorito Javier at masama na ang tingin saaming dalawa. Patawa tawa Lang ako rito pero wala talaga akong naiintindihan. Nakakatawa rin naman kasi ang reaksyon nilang dalawa eh.
BINABASA MO ANG
REACHING THE RICHEST
RomanceRICHEST TRILOGY 1 Isabella Santiago is the daughter of one of the most trusted maid of the Alvarado's. One day, her mother died due to heart complications so she was left to stay and work for the said family. She had to stop from going to college be...