Veintisiete

676 18 0
                                    

Nagising na naman akong nasusuka kinabukasan. Ilang beses na akong pabalik balik sa banyo at sobra akong nahihilo. Pinilig ko ang ulo ko para piliting umayos ang pakiramdam.


Nang pakiramdam ko'y nailabas ko na lahat, lumabas na 'ko para gawin ang mga dapit gawin. Si manang na naman ay nag-aalala akong tiningnan at nilapitan.


"Sumuka ka na naman ineng. Sigurado ka bang maayos ka lang? namamaga pa ang mga mata mo, umiyak ka ba? Anong problema?" mabilis akong umiling.


"Hindi po, ayos lang po talaga ako. Ano po bang gagawin ngayong umaga?" nagdadalawang isip pa si manang sa pagbibigay saakin ng trabaho pero kalauna'y pumayag rin dahil sa pamimilit ko.


"Tulungan mo nalang si Bertha doon sa kusina, naghahanda ng almusal." Tumango ako't agad na pumunta sa kusina para tumulong.


Pagdating ko doon, luto na lahat ng pagkain pati mga kape at tsaa ay nakatimpla na. Ang sabi ni Bertha ay sa kuwarto raw kakain ang iba.


"Ito, pakidala nalang sa kuwarto ni senyorito Javier. Magpapadala ng agahan ang nobya niya." Sa kuwarto ni Javier? Napangiti ako ng mapait.


"S-sige. Ito lang ba?" Tumango lang siya't winasiwas ang kamay para itaboy pa ako. Bago paman ako makalayo, lumingon ako sakanya at nakita ang ngiting tagumpay sa labi niya.


Alam niya. Sigurado akong alam rin niya.


Nanginginig akong kumatok sa pinto ni Javier. Halos mitumba ako ng bumukas ang pinto. Si Mariana ang bumungad saakin. At wala siyang ibang suot maliban sa damit ni Javier. Hindi ko maiangat ang tingin ko sakanya. Nadurog ang puso ko sa nakita, at nag-uunahan na naman ang luha kong lumabas. PInigilan ko ang sariling maiyak.


"Oh, thank you for bringing our food, Isabella. Javier and I are starving, we've had a rough and long night. I fyou know what I mean." Tumawa pa siya't kinuha ang tray saakin.


"You can leave now." Bago ako makaalis, natanaw ko pa si Javier na nakahiga sa higaan, at walang suot pang-itaas at natatakpan ng kumot ang ibabang bahagi.


Tumutulo na naman ang luha kong lumayo. Nasasaktan na ako, sobra. Pero kailangan kong magpakatatag. Kasalanan ko rin naman eh, pagkatapos ng lahat, mayaman siya, at katulong lang ako. Simula pa lang alam kong hindi pwuede pero umasa pa rin ako.


Pinilit kong magpakatatag buong maghapon. Pinag-igihan kong hindi magtagpo ang mga landas naming nina Javier, Mariana, maging ni Marie. Nilunod ko ang sarili sa mga gawaing bahay kahit pa sobrang sama ng pakiramdam ko.


Masyado akong mahina, at pakiramdam ko'y anumang oras ay matutumba na 'ko. Ilang araw na rin 'to, pero hindi pwedeng manatili na naman ako sa kuwarto ko dahil malulunod lang ako doon sa mga iniisip at pagsisis.


Si manang ang naglalaba kanina pero pinilit ko siyang ako nalang ang gagawa. Natapos ko na kasi lahat ng gagawin, at sa oras na magpapahinga ako, siguraddong babalik na naman lahat ng sakit. Mas pipiliin ko pang mapagod ang katawan ko kaysa tuluyang masiraan ng bait.

REACHING THE RICHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon