Dalawang araw. Dalawang araw ko nang hindi nakikita, o nakakausap man lang si Javier. Dalawang araw ko na siyang hinid nahahagilap. Pati sa text o tawag, ni isang beses walang paramdam. Hinid ko na alam ang nagngyayari. Wala akong maintindihan. Ano bang problema? Ano bang nangyayari? Bakit ganito, bigla nalang nagbago ang lahat.
Masaya pa kaming dalawa pagbalik niya pero ngayon, sobrang lungkot ko na. NAndito lang ako sa kuwarto at nakatingin sa kawalan habang naghihintay ng balita mula sa kanya. Hindi ako kumakain, nararamdaman ko pa rin ang kirot ng pagkababae ko pagkatapos niya akong marahas na ginamit.
"Manang hindi pa rin po ba nakakauwi si senyorito Javier?" Tanong ko kay manang.
"Hindi pa, bakit? Parang noong isang araw mo pa siya tinatanong saakin ah?"
"A-ah, wala po." Hindi kumbinsidong tumangi si manang at tinitigan pa ako saglit bago bumalik sa ginagawa.
Napabuntong hininga ako at pumunta sa garden para magpahangin at makapag-isip ng maayos.
Iba't ibang senaryo ang tumatakbo sa isip ko. Baka nagsawa na si Javier, baka ayaw na niya saakin, at baka pinagpalit na niya ako sa iba. Gustong- gusto ko na siyang makausap para malinawan pero anong gagawin ko kung nandito ako sa mansyon, hindi makalabas, at hindi man lang alam kung nasaan na siya.
Naiinis akong napapikit at bumuntong hininga. Lumakas ang hangin kaya pinakalma ko ang sarili at hinayaang langhapin ang preskong hangin.
Pagdilat ko, nagulat ako nang makita si Marie na nakatayo sa tabi ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong sabi na may kaunting gulat pa.
"Wala lang." may kung ano sa ngiti niyang nagsasabi na may gagawin na naman siyang hindi maganda.
''Ano nga? May kailangan ka ba?"
"Eto na, sasabihin na. Atat masyado eh.... Diba sabi ko sayo mag-iingat ka at huwag kang magpapahuli saakin?" Nahuli ko ang pagngisi niya at ang pagtaas ng isang kilay niya na para bang pinapaalam na may alam siya na makasisira saakin.
"A-anong ibig m-ong sabihin?"
"Nakita ko kayong naghahalikan ni senyorito dito sa hardin at Nakita ko ring pumasok siya sa kuwarto mo noong isang araw. Anong ginawa niyo? Huh?" ngiting tagumpay. 'yan lang ang tanging makikita sa mukha at tindig niya.
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo." Sa loob- loob ko'y para akong mahihimatay sa kaba. Kung kalian unti-unting dumarama ang nakakaalam ng tungkol saamin, tsaka pa wala si Javier sa tabi ko. Kung kalian pa nagkaproblema, tsaka niya pa ako iniwan sa ere.
Sa totoo lang, pakiramdam ko'y nag-iisa ako ngayong lumalaban para saaming dalawa, at 'yon ang mas masakit.
"Huwag ka nang mag-maangmaangan pa, Isabella. Alam naman na naming pokpok ka at mukhang pera. Pero, huwag ka munang ma-alala. Wala pa naman akong pinagsabihan. Naghihintay pa ako ng tamang tiyempo para siraan ka sa buong pamilya. Kaya, dahan dahan lang ha? Huwagn a huwag mo 'kong kakalabanin dahil matagal na 'kong nagtitimpi sayo!" Huling banta niya bago tumalikod at umalis.
BINABASA MO ANG
REACHING THE RICHEST
RomanceRICHEST TRILOGY 1 Isabella Santiago is the daughter of one of the most trusted maid of the Alvarado's. One day, her mother died due to heart complications so she was left to stay and work for the said family. She had to stop from going to college be...