Quince

838 22 1
                                    


Pagkatapos ng usapang naganap, wala nang nagsalita ulit. Nagpahatid lang ng pagkain si Javier, at kumain kami ng tahimik, at nakaw tingin sa isa't isa. Naiilang ako ng konti, pero may konting determinasyon akong nararamdaman. Pero hindi sapat 'yon para iwan lahat ng kinatatakutan ko.


Nauna akong umakyat sa itaas, sa kwarto ni Javier. Pinasok ko ang katabing kuwarto kanina pero lamesa't mga libro ang laman. Kaya napilitan akong pumasok sa kuwarto niya at nanatiling nakaupo sa sofa na kaharap ng higaan niya.


Nang makaramdamn ng antok, tumayo ako't kinuha ang dalawang unan at iniwan ang dalawa pa sa higaan ni Javier. Bumalik ako sa sofa at ipinuwesto ang mga unan hanggang sa maging kumportable ako. Humiga ako't pinilit ang sariling makatulog habang wala pa si Javier sa kuwarto. Kumportable naman ako sa sofa kasi malambot at sakto lang sa akin.


"Isabella? Why are you there?" dali dali akong bumangon nang pumasok si Javier sa kuwarto. Agad ko namang kinolekta ang unang kinuha at tumayo.


"A-ah, bawal ba? S-saan ba ako pwedeng matulog?" Nahihiya ako. Hinid ko naman kasi alam na hindi pala pwedeng higaan ang sofa niya.


"What are you talking about? Ofcourse your sleeping beside me. In my bed." Napatigil ako.


"H-ha? Bakit? Hindi pwede 'yon. Kasambahay ako rito atsaka... hindi magandang tingnan kapag magkatabi tayong matutulog rito sa kuwarto mo. Lalo pa't dito ang bago kong trabaho." Hindi ako mapakali sa kinatatayuan. Tinitigan niya lang ako ng matalim, at lumapit.


"Please? Stop thinking about anything else. Just focus on me.. please. Just until you're here with me." Kusang tumangi ang ulo ko nang makita ang sinseridad at marinig ang pagmamakaawa sa boses niya.


"O-okay." Napangiti naman siya at agad na akong hinila pahiga. Ipinulupot niya ang mga braso sa katawan ko, at idinantay and mga biinti niya sab inti ko.


"Just in case you;ll try to escape." Bulong niya at mas lalong hinigpitan ang yakap. Amoy na amoy ko ang mabangong natural niya na amoy. Napangiti nlang ako sa ginhawang nararamdaman.


Tumayo siya saglit at pinatay ang ilaw. Natira nalang ang lamparang nasa bedside table niya.


"Good Night, mi amor." Banayad niyang hinalikan ang leeg ko. Nakangiti kong ipinikit ang mga mata, at naging mas kompotable nang maramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko. Ito na yata ang pinakamapayapang tulog na nagawa ko sa buong buhay ko.


Kinabukasan, nagising ako sa kiliting nararamdaman sa mukha. Dahan dahan kong iminulat ang mata at bumungad saakin ang nakangiting si Javier. Medyo magulo pa ang buhok niya pero malapad siyang nakangiti saakin habang hinahalikan ang iba't ibang parte ng mukha ko.


"Buenos dias mi amor." Mabilis niyang hinalikan ang labi ko. Napangiti naman ako ng konti, at lumambot ng sobra ang puso ko.


"Magandang umaga Javier."malumanay kong sabi at inalis ang iilang hibla ng buhok niya sa mukha. Binigyan niya pa ako ng isa pang halik sa labi at dali daling tumayo mula sa higaan.

REACHING THE RICHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon