Diecinueve

665 12 0
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang marahan na haplos sa mukha ko. Bumungad saakin ang napakagwapong mukha ni Javier. Mukhang kakauwi niya lang mula sa trabaho dahil hindi pa isya nakakapagbihis.


"Hello, mi amor." Mahina niyang sabi.


"Ngayon ka lang ba nakauwi? Pahinga ka na, mukhang pagod ka." Dahan dahan akong bumangon at sumandal sa headboard.


"Nope, not yet. I want to show you something first." Kaligayahan ang maririnig sa tono ng pananalita niya kaya nagtataka ko siyang tininganan.


"Hindi ba pwedeng bukas na? Kailangan mo nang magpahinga." Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tumayo siya't bigla akong pinangko kaya napatili ako ng kaunti sa gulat.


"Gabing-gabi na Javier, ano na namang pakulo mo?" medyo pagalit kong sabi. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa paglalakad habang may malaking ngiting nakaplaster sa labi.


Pagbaba sa hagdan, sunod sunod na bumuhos ang luha ko sa nakita. Sobrang liwanag ng sala, at mayroong maliit na lamesang napakaromatic ng dating. May bilog na cake sa gitna, at kandila. May bote rin ng wine aat dalawang wineglass. Isang malaking bouquet ng rosas ay nakatayo sa likod ng cake.


"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birtday. Happy Birthday to you."


"Happy birthday, mi amor. Happy 22nd Birthday." Bulong niya saakin mula sa likuran. Hindi ko mailarawan ang sayang nararamdaman ko ngayon. Kaya hindi ako nakasagot. Agad ko siyang dinamba ng napakahigpit na yakap habang humihikbi at mahinang nagpapasalamat ng paulit-ulit.


"I'm happy to be with you on your special day. I Love you, Isabella." Inilabas niya ang isang itim na pahabang kahon mula sa bulsa. Mas lalong bumuhos ang luha ko ng makita ang napakagandang kuwintas sa loob na mayroong hugis pusong pendant.


"Te Quiero, Te Amo. Bigkas niya at ipinakita ang mga salitang nakaengrave sa likod ng pendant. Dahan- dahan siyang pumunta sa likurang ko at inilagay sa aking leeg ang kuwintas. Wala akong ibang masabi. Nag-uumapaw sa saya ang puso ko.


Tiningnan ko ng matiim ang kanyang berdeng mata. Nakasalamin ang kasiyahan at pagmamahal niya saakin sa uri pa lang ng pagtitig niya sa akin. Parang hinaplos ang puso ko sa nakikita. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko ang lalaking 'to.


"Mahal din kita, Javier. Mahal Kita." Natigilan siya sa sinabi ko at nanatiling nakatitig saakin. Umatras ang luha ko at unti unting kinabahan nang hinndi siya gumalaw sa kintatayuan.


"J-Javier? Javier, ayos k-ka lang?"


"Say it again, please." Mahina niyang sabi. Mapapansin ang pagbilis ng kaniyang hininga. Naging mas malalim ang pagtitig niya saakin ngayon, at mas dumilim. Tinawid niya ang distansya naming dalawa at nararamdaman ko ang paghinga niya,


"Say it again, mi amor." Napaigtad ako sal alim ng boses niya. Hinaplos ko ang mukha niya bago muling tumitig sa kanyang mga mata at pilit pinaparamdam sakanya ang nararamdaman.

REACHING THE RICHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon