Cuarenta y uno

774 15 0
                                    

Naalimpungatan ako sa maliliit na halik na nararamdaman ko sa buong mukha ko. Malawak ang ngiti kong binuksan ang mga mata. Numungad saakin ang napakagandang mga mata at ang gwapong mukha ni Javier. Nakatukod ang siko niya sa gilid ng ulo ko habang nakapatong ang baba sa kamay habang nakatitig saakin.


"Hi." Mabilis niya akong hinalikan sa labi.


"Good morning, mi amor." Malumanay niyang sabi.


Isang linggo na rin matapos kong sabihin sa kanya ang totoo. Ang nagdaang mga araw ay naging magaan, at mapayapa. Napagpasyahan naming dahan- dahang buuin ulit ang relasyon naming. Pakiramdam ko naman ay sapat na ang panahong sinayang naming dalawa. Sapat na ang sakit na pinagdaanan naming para magsimula ulit at maging masaya.


Nitong mga araw, natutunan naming baguhin ang mga pagkukulang naming noon. Pinilit naming ayusin ang lahat sa pagitan namin. Trust and communicate. Iyan ang pinagbibigyan naming ng pansin ngayon. Dahil nasira kami noon dahil sa kawalan ng tiwala sa isa't isa at kakulangan sa komunikasyon. Pareho kaming kumilos nang hindi iniintindi ang isa't isa kaya gumulo ang lahat, kalaunan ay nawala. Kaya ngayon, gusto kong maayos naming 'to. Ayoko nang bumalik sa dati.


"I'll make us breakfast." Sabi ko at nagpumilit na bumangod. Pero humiga sa Javier at kinulong ako sa mga bisig at binti niya. Binaon niya rina ng ulo niya sa leeg ko, inaamoy ang leeg ko.


"Later. Let's cuddle." Alambing niyang sabi. Napangiti ako. Namiss ko 'to.


"Wala ka bang trabaho?"


"Work can wait." Mahina akong natawa. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Pinagbigyan ko nalang siya sa gusto. Hinahaplos ko ang buhok niya habang nilalaro niya ang mga daliri ko sa kamay niya.


"I miss this. I miss you. But I missed loving you more." Biglang bulong niya. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya.


"Me too."


"You're going back to France in a week." Oo nga pala. Malapit nang matapos ang bakasyon ko dito sa Pilipinas. Maayosn a rin naman ang takbo ng Negosyo at ang kontrata ko sakanila.


"Yeah. Parang biglang bumilis ang araw. Nagrereklamo pa 'ko nung una kung kalian 'to matatapos. Ayaw kasi kitang makasama o makita ng matagal n'on." Pag-amin ko. BIgla niyang inangat ang ulo para tingnan ako at sumimangot. Tinawanan ko siya at ginawaran ng mabilis na halik.


"Totoo naman. Natakot kasi ako baka bigla nalang mawala yung galit ko sayo." Lumamlam ang mga mata niya at bumalik sa dating pwesto.


"That's understandable. After everything I've done..."


"Shhh.. Napag- usapan na natin diba? Magsisimula tayo ulit." Pagpigil ko sakanya. Ayoko nang alalahanin ang nakaraan.


"Thank you." Aniya.


"Saan?"


REACHING THE RICHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon