Veintinueve

741 21 5
                                    


"Isabella, please eat. Tatlong araw ka nang hindi kumakain!" Nagagalit na si kuya sa akin. Simula ng dalhin niya ako sa condo niya, nakatulala lang ako araw araw. Hindi nagsasalita, at hindi gumagalaw.


Naririnig ko siya, pero ayaw gumalaw ng sarili kong katawan. Pagod na pagod ako, at sobrang nasasaktan. Hindi ko magawang pilitin ang sarili kong makinig sa kanya at isipin pa ang kalagayan ko.


"Kuya's getting worried, Isabella. Tell me, tell me everything. Hindi ito makakabuti sa kalagayan mo kaya atop keeping everything to yourself!" Nanatili pa rin akong walang imik at nakatulala. Pabalik balik siyang naglakad sa harapan ko pero ang isip ko, nasa malayong lugar.


"Isaac, tigilan mo na nga 'yang kapatid mo! Lalo mo lang siyang iniistress eh, lumabas ka muna. Ako nang bahala sa kanya."


Si ate Cris, asawa ni kuya. Gusto kong magulat nang malaman ko 'yon, pero wala na akong nararamdaman eh. Hindi na ako nakakaramdam.


"Bella, hayaan mo nalang 'yung kuya mo. Nag-aalala lang 'yon saiyo. Sabihan moa ko kapag gusto mon ang kumain ha?" umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko. NAnlulumong lumabas si kuya ng kawarto at pabagsak na isinara ang pinto.


"Alam kong hindi basta- basta ang pinagdadaanan mo, pero hindi sapat na dahilan 'yon para pabayaan ang sarili mo. Nandito lang kami ng kuya Isaac mo lagi, ha?" hindi ulit ako umimik. Nakatingin lang ako sa kawalan.


"Hahayaan na muna kita rito. Pero kukulitin ka na naming mamaya. Hindi ka nag-iisa." Ngumiti si ate Cris saakin bago lumabas.


Ngayong tahimik na ang paaligid, kung saan saan na namn lumilipad ang isip ko. Mga masasayang ala- ala, pero masakit nang maalala.


"Akala ko ba babalik na tayo sa hotel?" tanong ko kay Javier nang lumihis kami ng daan.


Hindi niya ako sinagot sa halip ay ngumiti lang siya ng makahulugan.


Nakarating kami sa isang restaurant, pero mukhang sarado yata. Walang tao, sa loob tsaka sobrang tahimik ng lugar.


"Huy, sarado yata. Bakit tayo nandito?"


Hindi niya ulit ako sinagot. Kinuha niya ang kamay ko at inangkla sa braso niya. Pinagbuksan kami ng pinto ni Robert. Nginitian ko siya kaya yumukod lang siyang bahagya/


Napatigil ako nang makita ang lamesang puno ng disenyo sa gitna ng restaurant. Sobrang gara, sobrang ganda ng lugar. May may kandila pa sa gitna at nagkalat na rose petals sa sahig.


"J-Javier." Naiiyak kong sabi. Nakangiti lang siya saakin.


Lumapit si Roberto at inabot ang bouquet kay Javier.


"For you, mi amor. Let's make our last night in Cebu memorable." Naiiyak kong tinanggap ang bouquet at umupo sa upuang hinila ni Javier para saakin.

REACHING THE RICHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon