Chapter 28

306 13 12
                                    

Hi, I'm sincerely sorry for my slow updates these past few months. I know I've always been MIA and that's because I had so much on my plate.

It was so hard to manage both of my writing and studies, please bear with me. However, I'm so so thankful and flattered because of those who are waiting for my updates, I felt really kilig lol.

I won't promise na mas mapapabilis ang update ko this time but I will try.

Anyway, here's HBMF 28. Thank you for waiting, honeys! Please do keep safe and healthy. Mwah.

Padayon! ;)

---

"Balita ko close na close daw kayo ng boss mo."

Sinamaan ko ng tingin Zea habang hirap na hirap ako sa plank position ko. Nasa gym kami ngayon kasama sila Inna. Nagkataon kasing free day naming lahat kaya sama-sama na naman kami ngayon.

Nagkikita-kita pa din naman kaming lima pero hindi na kasing dalas noon. We were busy dealing with our own things. Lalo na si Yzza na sobrang higpit ng schedule. Mabuti nga at nakasama siya ngayon.

"Lolo mo close." Gusto kong ihulog si Zea sa treadmill.

Umayos ako ng tayo at saglit na uminom ng tubig.

"Panong close yon, Kiela?" Tumaas ang kilay ni Yzza sakin, nang-aasar.

"Close open." Sagot ko at binaba ang tumbler sa isang gilid.

"Wow, wala pang come back inopen mo na agad?" Tinakpan pa ni Jhannus ang bibig niya.

"Grabe ka naman, sis! So san kayo nag-close open?" Lumapit sa'kin si Inna.

Parang gusto kong kumuha ng dumbbell at ipukpok sa ulo nila isa-isa nang mapagtanto ko kung anong iniisip nila.

"Alam niyo, ang dudumi niyo." Nagsimula akong mag-squat.

"Ano ngang update?" Tumabi sakin si Yzza.

"Update saan?"

"Love life! Duh! I mean, don't you want to try again? Diba?"

I continued doing squats while holding a small dumbbell. "Busy ako."

"Busy ba talaga o pinipilit lang maging busy kasi distracted kay VP?" Tumawa si Inna.

I breathed deeply before putting the dumbbell down. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinupogpog nila ng tanong!

"Kung makapagsabi kayo parang may update din sa mga love life niyo! Pare-pareho lang naman tayo!" Gigil na sabi ko.

"At least kami lumalandi!" Balik sa'kin ni Jhannus.

"Kahit maging sugar mommy ka nalang, wag ka lang tumandang dalaga, please." Dagdag ni Zea.

Mas lalo akong napairap dahil doon. I took my towel and wiped my face with it. Parang mas napapagod ako sa mga lumalabas sa bibig nila.

Paulit-ulit!

"Hindi pa ko ready." Pinigilan kong magdabog. Umupo muna ako sa isang gilid. Sumunod naman sila.

"It's been 5 years, oh my gosh! I thought you already moved on?" Mukhang stressed na stressed si Yzza sakin.

"Ano, gusto mo reto?" Seryoso pa si Zea nang tanungin yon.

They looked so stressed about my love life!

He Broke Me First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon