"I-shot na lang natin 'yan!" Tinapik ni Zea ang balikat ni Jhannus.
I drank the glass of alcohol in front of us before pouring another shot. I shook my head as I glanced at Jhannus. He and his boyfriend broke up so we were here in a KTV bar, drinking with him.
The jerk even told him na matagal na raw siyang may babae at sobrang tanga raw ng kaibigan namin para akalain na seryoso siya sa kanya. That asshole's reason was so stupid but I wasn't surprised anymore. He has always been looked dumb in my eyes kahit ilang beses ko lang siya nakita kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit pang-tanga lang ang utak na meron siya.
Umiling ako sa naisip. Bakit kaya may mga taong nasisikmurang manloko ng tao para lang sa pera?
"O, tangina ka buhay ka pa? Hindi ka lang wasak ngayon, pulubi ka pa." Si Zea.
Umiyak si Jhanuus. "Binigay ko naman lahat, e, halos 'di na nga ako kumain mabigay lang mga luho niya."
Inna grabbed the shot glass from him and drank it. "Bebe pa more."
Nabaling naman ang atensyon ko kay Yzza nang magsimula siyang kumanta habang umiiyak pa. I sighed and looked around, isa-isa ko silang tinignan. They're all stupid and dumb but I still love them, though.
I turned my eyes to Yzza again. "Biglang nalaman ko, may hinihintay ka lang palang bumalik." She was singing with teary eyes.
Hindi na niya natapos ang pagkanta dahil bigla na lang siyang napahagulgol sa iyak. Napailing ako. Sumasakit ang ulo ko sa kanila.
"Yzza, tama na 'yan. Pag-inuman, inuman lang! Walang balikan ng ala-ala with ex," pang-aasar ni Zea.
"Shut up, it's not like that! I already forgot about him—" The back of her hands covered her face so we wouldn't see her cry but her sobs say it all. "Girl, it still hurts," she cried.
Nagsalin ulit ako sa baso at ako naman ang uminom. I guess this is the advantage of being single, huh? I don't have to cry over a man.
Lumagok ulit ako ng isa pang shot. Minutes after, Zea opened another bottle of liquor and poured in my glass. I drank it even without a chaser. Alcohol made the hell and heaven as one, good but somehow bad.
Napapikit ako nang maramdaman ang init at pait sa lalamunan ko. Kinuha ko agad ang lemon sa mesa at sinipsip 'yon.
"Nag-text si Gio." Inna looked down, smiling a little after mentioning her ex's name. Agad kaming nagkatinginan ni Zea.
"Nireply-an mo?" tanong ko.
"Hindi."
Napabuntong hininga ako. I almost clapped my hands because of that. Finally! Ngumiti ako at tinapik siya sa likod niya. "Nakaka-proud ka. Hindi ka na marupok." I laughed.
Inna breathed out as her smile wasn't leaving before shaking her head. She even looked like she was reminiscing. "Hindi ko nireply-an. Tinawagan ko, na-miss ko na 'yong boses, e."
She glared at me when I pulled her hair. I thought she already learned from the past. Bakit ba ganito sila? Ang dami ko naman ng advice na nabigay, ah?!
Pinitik ni Zea ang noo ni Inna. "Tangina mo talaga, habang buhay ka nang tanga."
Kinuha ko ulit ang shot na inabot niya pagkatapos. "Bakit parang ako lang ang umiinom?" angal ko nang maubos ang binigay niya.
Nginuso lang niya ang mga kasama namin, si Jhannus na nakatulog na sa kakaiyak at si Yzza na tulala. I sighed before pouring another shot of liquor in my glass. I was being surrounded by heartbroken people, God!

BINABASA MO ANG
He Broke Me First
ChickLitKiela just wanted to make a call on the rooftop of the hospital where her friend got admitted because of a minor injury. She wasn't expecting to see a guy who she had thought to commit a suicide. She only wanted to stop the stranger from killing him...