Chapter 37

394 18 6
                                        

"Happy birthday!"

Binati ko agad si Yzza pagkapasok sa condo unit niya. Ako ata ang pinakahuling dumating para sa birthday salubong niya dahil naabutan ko na sila Jhannus na may inaayos doon sa table kung saan nakalagay ang mga pagkain.

"Thank you, love!" masayang sagot ni Yzza at niyakap ako.

I put the cake I was holding on the table. I chuckled when I noticed the set up and decorations. Puro white and light blue ang nakikita kong kulay ng mga design.

All of us were wearing a white knee length satin nightdress with side slit. 'Yon kasi ang gusto ni Yzza. But because we're going to have a sleepover here, I brought extra clothes.

"Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Bakit parang pinagkaisahan ako dito?" Hinawakan ni Jhannus ang dibdib niya. Siya lang kasi ang nakasuot ng pajamas.

"Sexy mo nga, e." Pinalo ni Zea ang pwet niya.

Yzza laughed. "You look okay with that pajamas, though."

Umirap si Jhannus at pinilintik ang kamay niya. "Pero okay lang, lamang naman ako sa dilig," pagmamalaki niya.

Napatingin ako kay Inna na kalalabas lang ng restroom. Naririnig niya siguro ang usapan dahil sa reaksyon ng mukha niya. "Sa pwet ka lang naman dinidiligan," pang-aasar niya.

"Bastos n'yo," sabat ko.

They looked at me dramatically like they couldn't believe what I just said. I rolled my eyes and ignored them. Nag-picture muna kami isa-isa kasama si Yzza bago nag-picture ng lahatan.

Tumawa ako nang i-play ni Zea ang mga sama-samang video ni Yzza na lasing habang nakaupo kami sa nakalatag na mattress sa living room. All of us, except Yzza who was now frowning, laughed hard when another video played. Puro mukha niya 'yon kasama ang mga ex-boyfriend niya.

"Is that Dylan?" Sa dami ng mukhang naipakita 'yon lang ata ang napansin ni Yzza.

"Oo! Remember college days?!" I asked, laughing.

Tumayo si Inna at mahinang binato ng unan si Yzza. "Diba, 'yan iniiyakan mo lagi kapag umiinom tayo?"

Pare-parehas kaming natawa nang maalala ang itsura niya noon. Grabe. She was so inlove with that guy, it took her years to move on!

Maya-maya, ibang video naman ang lumabas. I covered my eyes when a man's body played. It was from tiktok! Tawa lang kami nang tawa lalo na si Jhannus. Enjoy na enjoy kasi ng gaga.

We stood up after that to dance like we were at the club. I opened my mouth when Zea poured liquor on my mouth. Nagtataka na nga ako dahil walang nagrereklamong kapit bahay ni Yzza kahit sobrang ingay namin.

"Booty! Booty!" Sobrang hyper ni Jhannus.

We formed a circle when Zea started twerking. Kinuha ko sa kamay ni Jhannus ang alak nang magsimula na rin siyang sumayaw. I poured liquor on their mouth while they were dancing wildly.

Hindi na ko makahinga kakatawa nang dumapa si Jhannus sa sahig at doon nag-twerk. I took a video of him doing that so I could show it to him tomorrow.

"Kalat mo, hoy!" sabi ni Inna bago inumin ang alak na hawak niya.

Yzza clapped her hands, laughing hard. She opened another bottle of alcohol after we finished the first one. Sumipsip ako ng lemon pagka-ubos ng alak na binigay niya sa' kin. "It's hotttt!" I stuck my tongue out, drunk.

Nagpatuloy kami sa kakasayaw at huminto lang noong hihipan na ni Yzza ang kandila ng cake niya. We cheered for her while singing the 'Happy Birthday' song. She was laughing, looking so happy as she blew the candle.

He Broke Me First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon