Chapter 29

289 13 3
                                    

Sinandal ko ang ulo ko sa head board ng kama pagkagising ko kinabukasan. Halos isumpa ko na ang alak dahil ramdam na ramdam ko na ang hang over.

My head hurts a lot, I couldn't even sit properly. It was as if someone threw a rock on me.

Maghihikab na sana ako pero agad ding natigil yon nang biglang may maalala.

"Oh my gosh." I looked at my own self, remembering what I did and who took me home last night. "God." Sinabunutan ko ang sarili ko.

I hit my head repeatedly with a pillow. Gusto ko nang umiyak. Mali talagang uminom ako kagabi!

Kinagat ko ang ibabang labi ko, namomroblema sa kahihiyang ginawa ko. For some reason, gusto ko na lang hindi maalala ang mga pinag-gagawa ko kagabi.

I held my hair again before I inhaled an air. "Wait, I shouldn't be embarrassed, right? It wasn't really a big deal." I nodded to convince myself. "Yes it was not--fuck, no! It's your damn ex, girl. That's never okay!" I sounded stupid consoling and scolding myself.

Tumayo ako at tinignan ang sarili sa salamin na nakalagay sa gilid ng kama ko. I was still wearing my clothes from last night but my make up was all gone.

Did Joaquin remove it?

Nakasibangot akong bumalik sa pagkakahiga sa kama.

"Nakakainis." Tinapik ko ang noo ko at sinubsob ang mukha sa unan, wala pang balak bumangon.

Hindi na ko iinom. Hindi na ko uulit. "That was a dumb lie, Kiela." Para na kong baliw habang kinakausap ang sarili ko.

Ilang minuto lang akong ganon hanggang sa naisipan ko nang tumayo. Muntik pa kong madulas kakamadali nang ma-realize na may pasok nga pala ako.

I was rushing when I went inside the bathroom. Binilisan ko talaga ang pag-ligo dahil ang akala ko ay late na late na ko. Mabilis ko tuloy namura ang sarili ko nang makita ang oras sa wall clock.

For God's sake, I was rushing for nothing! Saktong 6 AM pa lang ang oras! I didn't know if I should give my self a slap or a clap.

Slap because I think I just dropped my mind last night and I didn't know how to bring it back inside my head. Or maybe, maybe a clap would do? Parang sobrang sipag ko kasi at career na career ko ang pagiging workaholic. Ah, I feel proud.

Dahil napaaga na nga ako ng masyado, tinuloy ko na lang. Nagsuot ako ng high waisted maong pants, white inner tank top at saka yon pinatungan ng itim na blazer bago sinuot ang heels ko.

Dumiretso na agad ako sa garahe para ilabas ang kotse ko. Hindi na ko kumain sa bahay dahil wala akong gana. Baka dumaan na lang ako sa malapit na coffee shop sa baba ng Selamo at doon mag-almusal.

Pakiramdam ko kailangan na kailangan ng katawan ko ng iced coffee.

"Blooming ka today. Anong secret mo?" Yon agad ang ibinungad sa'kin ni Inna pagkapasok ko sa loob ng coffee shop.

Kung hindi pa nila ko tinawag, hindi ko naman sila mapapansin. Nasa bandang dulo kasi ang pwesto ng table nila at nauna pang dumating dito dahil masakit din ang ulo kagaya ko.

"Hatid lang ni ex," sagot ni Jhannus, nang-aasar.

"Tanga ka?" Ganti ko. Hindi ko na nga iniisip tapos ipapasok pa sa usapan! Parang tanga naman.

Malakas silang tumawa nang pikon akong tumalikod para umorder sa counter.

"How much?" Tanong ko sa cashier noong ilapag na niya ang order ko.

He Broke Me First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon