"Anong plano mo?"
Napabuntong-hininga ako sa tanong ni Jhannus. Kababalik ko lang sa kwarto namin nila Inna. Sinabi ko sa kanila ang nangyari kanina. Pakiramdam ko kasi sasabog ako kapag wala akong napagsabihan.
Humiga ako sa kama at tinakpan ng braso ang noo ko. Hindi ko rin alam kung ano bang plano ko. Wala rin naman akong naisagot kay Joaquin kanina. Para akong nawalan ng dila.
"Hindi ko alam," sagot ko kay Jhannus na nakaupo sa paanan ng kama ko ngayon.
Dumapa si Inna sa kama niya. "Alam mo kung ako ang tatanungin, yes na yes."
I sat on my bed. Hindi ako mapakali. Anong oras na pero ayaw akong dalawin ng antok. This feeling has always been familiar to me. Isang tao lang ang kayang magparamdam sa'kin nito. Siya lang.
"True. Ayaw mo ba? Sabihin mo lang, sasaluhin ko yan."
Gusto kong bambuhin ng unan si Jhannus. Parang pinagsisisihan ko tuloy na sinabi ko sa kanila. All the things they were saying were nonsense. Naguguluhan lang ako lalo.
Mabuti na lang talaga at lumabas si Ella kasama si Yelyn. Hindi kasi ako komportableng pinag-uusapan si Joaquin sa harap ng iba kong ka-trabaho. Saka wala naman silang alam!
Kinuha ko ang cellphone ko nang tumawag si Yzza sa GC namin sa messager. It was a video call. I sighed when I realized why she was calling.
"I think it's okay to give him another chance, babe," bungad ni Yzza pagkasagot ko ng call. May hawak pa siyang folder habang nakasuot ng reading glasses. May trabaho sigurong tinatapos.
"Same thought," sang-ayon ni Inna. Mukha kaming tangang tatlo. Sumali rin kasi sila sa video call kahit halos magkakatabi na kami ngayon.
"Baka kasi nasa ex talaga ang true love, sis," singit ni Zea na kakapasok lang sa call.
I sighed. Were they giving me advice or headache?
"Nasan kang malandi ka? Hotel ba yan?" Tinuro ni Jhannus ang screen ng phone niya.
Ngumisi si Zea. "Oo, bakit? May duty ako ngayon."
Tumawa si Yzza. "You can't stop her pussy's cravings."
Tumayo ako para uminom ng tubig bago ulit bumalik sa kama. Nauhaw ako bigla dahil sa mga naririnig ko.
"Maawa ka sa fuckie mo. Pagod na pagod na. Magsawa ka naman," sabi ni Inna at umayos ng higa.
Tumango ako. "Pagpahingahin mo."
"Dami n'yong alam. Bakit ako magsasawa, masarap makipag-sex. Palibhasa 'yang mga kiki n'yo tuyong-tuyo," ganti ni Zea pabalik.
Napaismid ako. Ano namang problema sa walang sex? Hindi naman nakakamatay yon! Pinaypayan ko ang sarili ko. Who needs sex, anyway?
"Wag mong lahatin," pagyayabang ni Jhannus.
Pati ako napailag nang batuhin siya ng unan ni Inna. "May kiki ka?"
"Meron, tanga. Nasa puwet."
Natawa ako. Hinambalos ko si Jhannus ng unan dahil sa sinabi niya. Malandi. Inabot siguro ng kulang 2 oras ang tawag bago nila patayin. I felt like I wouldn't be able to sleep tonight. Ang dami dami kasing pag-uusapan kanina bakit naisingit pa ang tungkol sa sex life?!
I furrowed my brows when Jhannus handed me a phone. Hindi ko kinuha 'yon. Tinitigan ko lang ang kamay niya. "Anong gagawin ko dyan?"
"Try mong kainin."
"No, thanks."
"Tanga, kay Joaquin yan--I mean kay Sir Joaquin." He grinned.
"Bakit nasayo?"

BINABASA MO ANG
He Broke Me First
ChickLitKiela just wanted to make a call on the rooftop of the hospital where her friend got admitted because of a minor injury. She wasn't expecting to see a guy who she had thought to commit a suicide. She only wanted to stop the stranger from killing him...