Chapter 5

327 29 0
                                        

Sunday.

Nasa mall ako sa makati dahil nag-aya si Jhannus na lumabas para manood ng cinema. But the truth is, he only asked me to come with him because his boyfriend can't attend today. Busy raw but I doubted it! That asshole must've really planned to ditch my friend.

Naglakad-lakad muna ako habang hinihintay si Jhannus. Nag-alala ako na baka kanina pa siya naghihintay dito mag-isa kaya nang i-text niya akong pumunta sa mall, nagmadali agad akong umalis ng bahay. Pero pagkadating ko dito, wala pa naman pala siya!

He texted me that he was already on his way but almost 30 minutes had passed and he wasn't still here! Kanina pa ako nakatayo malapit sa entrance ng mall. Nakakainip.

Sa sobrang inip habang naghihintay, pumunta muna ako sa Watson. I was busy looking for nude lipsticks when I felt my phone vibrating so I unzipped my sling bag to get it.

Tinignan ko ang text ni Jhannus.

Jhannus:

girl, kanina ka pa ba d'yan?

Kiela:

Oo, 30 minutes na 'ko dito!

Kiela:

WRU?

Jhannus:

Uwi ka na mi kasama ko ngayon si Joshua hehe <3

Napamura ako pagkabasa sa text niya. Pagkatapos ko siyang saluhin iiwan niya ako sa ere?! I groaned as I scanned my outfit. I even dressed up, gosh! I was wearing a white tube top na pinatungan ko ng white cardigan and partnered it with a plain mom jeans.

I sighed and decided not to put my efforts in waste. Hindi na ako nag-reply. Ako na lang ang manonood mag-isa, sayang naman ang pinunta ko rito kung uuwi lang din ako.

Lumabas ako ng Watson at nagtungo sa cinema na nasa second floor ng mall. Pagkarating ko, pumili muna ako ng movie bago pumila sa bilihan ng ticket.

Pangatlo na ako sa pila nang may maramdaman akong umakbay sa balikat ko. I quickly got tensed so I looked at my side out of curiosity only to see Joaquin smiling at me.

I glared at him and elbowed his stomach a little so he would take his hand off my shoulder. He groaned. We should stay away from each other or else we'd be mistaken again for a damn couple!

"Anong ginagawa mo rito? You shouldn't be here." I looked at the people in line.

Inalis niya ang pagkaka-akbay sa' kin at hinawak ang mga kamay sa parehong side ng bewang niya. He licked his lower lip before talking.

"Bakit, bawal ba 'ko rito?" Kulang na lang irapan niya 'ko.

Sinuyod ko siya ng tingin. He was wearing a white polo with three buttons opened and a pair of ripped jeans.

I looked up to see his face, crossing my arms over my chest. "Sinabi ko ba?" I replied.

Tumalikod na ako at hindi na siya hinintay na makasagot. Bumili ako ng ticket bago umalis sa pila para bumili naman ng popcorn at bottled water.

I went inside the cinema and sat on the middle. Ayoko naman sa unahan dahil nakakaduling. Sa likod, parang may mark nang nakalagay na pang may 'jowa only' lang ang spot na 'yon. Maybe if you're single, hanggang middle part ka lang talaga ng cinema, I guess?

Nakita ko si Joaquin na papalapit sa akin kaya kumunot ang noo ko.

"Tabi tayo," he said.

"No," I refused but he didn't listen and still took the seat beside me. How can I avoid him if he's being like this? Ugh. This is so hard!

He Broke Me First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon