"Wag mo kong alalayan. Hindi ako bata, kaya ko."
Lumingon ako sa likod pagkababa ko ng bangka. Raien was trying to give a hand to Inna but she wouldn't accept it. Napailing ako. Hindi pa ba tapos ang away nila?
I covered my eyes using my hand to protect them from the sun. Nandito kami ngayon nila Jhannus sa isang beach resort sa Zambales kasama ang iba pa naming ka-trabaho.
Si Ma'am Ana ang nag-plano ng trip nato dahil ang dami raw naming ginawang trabaho sa office lately kaya kailangan din namin mag-relax pantanggal stress.
I was actually planning not to go with them because I thought hindi matutuloy to. But to my surprise, Mr. Rave agreed with this for the reason that he also wanted his employees to rest. Hindi na ako nakatanggi at sumama na lang dahil hindi rin ako tinigilan nila Inna.
"Sarap sabunutan ni Inna. Kung kailan tirik na tirik ang araw doon pa naisipang makipag-away," sabi ni Jhannus habang nasa dalampasigan kami at hinihintay ang mga kasama naming makababa ng bangka.
"Inggit ka lang, e." Kinuha ni Yelyn ang cellphone niya at kinuhanan ng litrato ang dagat habang katabi si Ella na busy din sa cellphone.
Nilapag ko muna sa buhanginan ang dala kong maliit na maleta na may lamang mga gamit ko. 2 nights and 1 day lang kami dito kaya konti lang ang dinala ko.
"Come on, guys. Let's go!" Excited na excited si Ma'am Ana pagkalapit nila sa pwesto namin. Siya ang naunang maglakad papunta sa hotel na tutuluyan namin.
We sat on the couch in the hotel lobby while waiting Ma'am Ana to finish taking care of the papers for our booking. Kinuha ko ang cellphone ko nang may nag-text doon.
Mr. Rigues:
How's Zambales?
I faked cough when Yelyn sat beside me. Umasog ako ng konti palayo sa kanya bago ulit binalingan ang cellphone ko.
Kiela:
It's still Zambales
I laughed a little when Joaquin sent an okay emoji. Tinignan ako ni Jhannus at pinagtaasan ng kilay nang marinig ako.
"Hindi ka masaya, no?"
Inirapan ko lang siya at tinanggap ang inaabot niyang tubig. Uminom muna ako bago binasa ang panibagong text ni Joaquin.
Mr. Rigues:
What are you doing now?
I wiped my lips using a tissue before I typed.
Kiela:
Just waiting in the hotel lobby
Itatago ko na ulit sana ang cellphone ko nang mag-reply ulit si Joaquin. Ang bilis naman.
Mr. Rigues:
How long are you guys will stay there?
Kiela:
2 days and 1 night, anyway don't you have something to do today?
I was just curious if he has work or things to do because he was replying too fast like he was really waiting for my texts.
Mr. Rigues:
I have
Mr. Rigues:
Why?
Napatango ako sa sarili ko bago mag-tipa ng isasagot.
Kiela:
Nothing I just thought u reply too fast lol

BINABASA MO ANG
He Broke Me First
ChickLitKiela just wanted to make a call on the rooftop of the hospital where her friend got admitted because of a minor injury. She wasn't expecting to see a guy who she had thought to commit a suicide. She only wanted to stop the stranger from killing him...