Chapter 26

486 24 20
                                    

"You have a boyfriend already?" I raised a brow, looking at Coleen. She looked away and sat in front of me before answering my question.

"No!" Coleen sounded defensive. Napatingin ako sa phone niya nang pasimple niya iyong kunin sa ibabaw ng mesa. This witch was lying. Pinaningkitan ko siya ng mata pero inirapan niya lang ako. "What if I say yes? There's nothing wrong with it! Kaka 15 ko lang!"

"Kaka 15 mo lang! That's the problem!" I pulled her hair.

"Ano yan?"

Nag-angat ako ng tingin kay Mama at Papa na kabababa lang ng hagdan. Coleen nervously shook her head. Umupo si Papa sa dulo ng mesa habang si Mama naman ay pumuntang kusina para tulungan si manang sa paghahanda ng pagkain.

Sumulyap ako sa relo ko bago nagsalita. "Pa, may boyfriend na si Coleen." Sabi ko. Narinig ko ang pag-ubo ng kapatid ko na para bang nasamid.

"Ano? Coleen." My father's voice was like a warning.

"It's not true!"

"Siguraduhin mo lang. Masyado ka pang bata para sa ganyan." Si Papa.

Ngumuso lang ang kapatid ko at inirapan ako. Napailing na lang ako at nagsimula nang kumain nang umupo na rin si Mama.

"Alis na ko." Paalam ko pagkatapos naming kumain ng umagahan.

"Sabay ako!" Coleen grabbed her bag when I opened the door.

Umikot ako at bubuksan na sana ang pinto ng driver's seat nang magsalita siya.

She scoffed. "It's still for sale." Sinundan ko kung saan siya nakatingin. "Diba, you're planning to buy a house? Yan na lang." She was smirking, pissing me off.

Muli akong tumingin sa bahay nila. It was really for sale. I scoffed and urged my own self to just ignore the things inside my head.

"Miss him? You haven't moved on yet?!" Coleen's eyes widened.

Mabilis akong napalingon sa kaniya.

I immediately grabbed her hair. "I've moved on!" I defended myself.

I was so sure about that.

I healed, I know that. Ni hindi ko na nga nakikita ang tao na yon at hindi ko na gugustuhin pang makita. The wounds that he gave to me were enough. Thinking about a cheater's just a waste of time.

"It's not obvious." Coleen mocked then opened the shotgun seat.

I rolled my eyes and drove her to her school. She's now a grade 10 student. Ang bilis ng panahon.

Huminto ako sa gilid ng kalsada pagkatapos ng ilang minutong byahe namin papuntang school niya. Malapit lang naman sa Selamo kaya minsan sumasabay na siya sa'kin.

"O, tanga." Sabi ko nang muntikan na siyang madapa habang binubuksan ang pinto ng kotse ko.

She rolled her eyes before stepping outside. After that, umalis na din ako papuntang Selamo.

"Good morning po."

I smiled at the security guard who he greeted me. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang button non papuntang floor namin.

Having a relationship's not my thing anymore. Hindi ko alam kung gusto ko na bang tumandang dalaga o ano.

After all the things that happened to us, parang nakakatakot na ulit.

I want to focus on my work first. Nag-iipon ako para sa plano kong bahay. Hindi ko alam kung bibili na lang ba ako o magpapagawa pa. I'm still thinking about it, besides may kulang pa naman sa ipon ko.

He Broke Me First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon