"Cinderella ka, girl?"
Hindi ko pinansin si Inna. Umayos ako ng upo pagkabalik sa table namin. What the hell. Did we end up making a scene?!
Tinignan ko ang paa ko at nakita ang mga band aid doon. I shouldn't have come here! Inis akong kumuha ng tissue at pinunasan an pawis sa noo ko.
"Anong nangyari kanina?" Tanong ni Yelyn.
"Tinanggay kasi ng aso." Masama ang loob na sagot ko.
"Kiela, kapag tinanong ka ni Sir Joaquin sabihin mo hindi tayo close, ah."
My brows furrowed with Raien's favor. "Ano? Bakit?"
"Bakit mo kasi pinaluhod? Ayoko pang mawalan ng trabaho." Sumimangot siya.
"Alam mo ang OA mo." Sinupalpal ko siya ng tissue.
Pinagpag ko ang suot ko bago tignan ang sarili sa maliit na salaming dala ko. Mas lalo ata akong na-bad trip dahil medyo hulas na ang mukha ko.
I wanted to go home already but the party isn't over yet! My god, how did I end up dealing with this night? Kung hindi na sana ako pumunta dito ay maayos sana ang gabi ko.
I'm either working on my desk or already sleeping by now! I stood up and grabbed my bag.
"Saan ka na naman pupunta?" Tanong ni Jhannus.
"Restroom."
"Alam mo kung saa-"
Hindi ko na siya pinatapos. I bit my lip out of frustration. That was the same question that stopped me earlier! "Alam ko!"
"Galit yan?"
I groaned. Naglakad na ulit ako palabas para sa kotse na lang mag ayos ng sarili. Balak ko ding wag nang lumabas doon hanggang matapos ang party.
But when I was about to open my car, I suddenly remembered that I gave my key to Raien earlier. Hindi pa niya nasosoli.
I frustratedly tapped my heels on the floor. "Ayoko nang bumalik!"
Parang gusto kong umiyak ng walang dahilan. Napatingin ako sa gate nang may tumahol sa akin. I glared at the same dog who dragged my heels.
"You're a bad dog-oh my god!" I held my chest when it barked. "Shut up! I'm sorry, okay?!" I was scared it might run and bite me!
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. I dialed Raien's number while observing the dog if it would suddenly go to me. Para akong tanga.
"Wala po akong order na lecheplan." Bungad niya sa kabilang linya.
"Anong lecheplan? Yung susi ko!"
"Kiela? Nasan ka ba? Bat tumawag ka pa."
"Sa parking, labas ka. Paki-dala na lang yung susi ang sakit na kasi ng paa ko." I told him then ended the call.
I leaned my back on the car's door while waiting. Saka ko lang din napansin na wala na yung aso. I looked down on my feet. I sighed as I remembered him.
Would I be okay working with him? It'll be impossible not to bump with Joaquin in the company.
Nakakatawa na may epekto pa din ang presensya niya sakin. Paano ba dapat ako umakto kapag makakasama ko ulit siya? I wasn't denying the possibilities. Pero parang sa tagal naming hindi nagkita, nakalimutan ko na kung paano makitungo sa kanya.
We shared many things together. I wondered if those were still bothering him whenever he sleep? Because I always do before, and I knew it wasn't fair to myself anymore.

BINABASA MO ANG
He Broke Me First
Chick-LitKiela just wanted to make a call on the rooftop of the hospital where her friend got admitted because of a minor injury. She wasn't expecting to see a guy who she had thought to commit a suicide. She only wanted to stop the stranger from killing him...