Chapter 14

248 26 0
                                        

"White or red?" tanong ko kay Maureen.

Right at this moment, I'm having a hard time choosing what swimsuit to wear. Nandito kami ngayon sa isang beach resort. Biglaan ang pagpunta namin dito dahil wala naman talaga sa plano 'to.

Buong angkan ata sa side ni Mama ang nandito sa dami namin. Halos lahat din ng pinsan ko ay kasama. Ilang hotel rooms din ang na-okupa. My mother has 6 siblings and she's third to the last.

"The white two piece," Mau answered.

I nodded. I grabbed the white one. Pumasok ako sa loob ng banyo at sinuot 'yon pagkatapos ay lumabas na ako. Nakatayo lang sa gilid si Mau. She looked hot with her yellow one piece swimsuit.

She smiled after seeing me. "Are you doing some work outs? You look really fit!" She scanned my body.

"Yeah but not regularly. Kapag may time lang at hindi busy sa school works," sagot ko.

Bago kami lumabas, nag-pahidan muna kami ng sunblock sa katawan pagkatapos ay inayos saglit iyong mga gamit namin sa hotel room dahil kaming dalawa ang magkasama sa kwarto.

Pagkalabas namin, nakita ko agad ang mga pinsan kong nagkalat sa tabing dagat. Some were taking pictures while the others were just sitting near the sea shore.

I smiled. I am blessed to have a big family like this.

"Nakita mo ba si Joaquin?" Binalingan ko ulit si Maureen.

"Kasama sila Kuya. Ewan ko kung saan nagpunta."

I quietly nodded while playing the sand with my feet. Mabuti na lang maaga kaming nakarating kanina kaya hindi pa gaanong masakit sa balat ang araw ngayon.

"Hey, you two!"

Sabay kaming napatingin ni Maureen sa tumatakbong pinsan namin na si Janica. She hugged us and kissed both of our cheeks.

"So, there's nothing new? Mas maganda pa rin talaga ako?" She mocked us.

Maureen playfully pulled her hair. Tumatawa lang ako habang pinapanood silang magkamustahan in a very unique way. Nabaling ang mga mata ko nang makita si Joaquin, kasama si Yhren at Kuya Clee na naglalakad sa tabing dagat.

I crossed my arms while watching him laugh. Nakasuot siya ng itim na polo na bukas ang ilang butones at board shorts. Tumatawa siya habang kausap si Yhren.

"Hey!" tawag ko.

Lumingon sila sa gawi namin bago nagsimulang maglakad papalapit. Nakita ko pa ang saglit na pagtigil ni Joaquin pagkakita sa akin pero tumuloy pa rin naman.

"Istorbo nito. Nag-momoment sa dagat 'yong mga tao, e," reklamo ni Yhren.

I just rolled my eyes and looked at Joaquin. "What?" I raised a brow when I caught him staring at me.

He shook his head and smiled. "Nothing."

He draped his arm on my shoulder before dragging me away with him. Nagpatianod lang ako habang nagtitingin sa paligid. Medyo madami ang tao sa resort, ang iba ay turista pa.

Naglakad-lakad lang kami sa tabing dagat. Lumipat ang kamay niya sa bewang ko at mas hinapit ako palapit noong may makasalubong kaming ilang mga lalaking sa tingin ko ay surfers. I saw them glancing at me.

Sinulyapan ko ang mukha ni Joaquin at nakitang nakakunot ang noo niya kaya huminto ako sa paglalakad at madaling inunat 'yon gamit ang kamay ko.

"Ang aga mong nakasibangot," puna ko.

Pumalupot ang dalawa niyang braso sa bewang ko at diniin ang katawan niya sakin. I wrapped my arms around his neck and laughed when he frowned again.

He Broke Me First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon