"So, bakit ka nga late kahapon?" Yzza arched a brow while we were eating.
Uminom ako sa bottled water ko. Break time kaya nasa canteen kami. I inhaled an air and looked at them. They were all waiting for me to answer Yzza's question like it was that big deal.
I put the bottled water down. "Bawal na ba akong ma-late ngayon?"
Pumangalumbaba si Inna sa lamesa. "Masaya ba bebe time?"
"Hindi ko alam! I've never experienced it, what's the point of asking me?" I shook my head.
Nakita lang nila na hinatid ako ni Joaquin hanggang sa building namin kahapon, ganito na ang mga tanong nila! Ano bang akala nila sa' min! We aren't dating!
I should really avoid Joaquin seriously this time or else my friends would keep thinking the wrong way about the two of us. Nakakasawa na magpaliwanag!
"Feeling ko nasa talking stage pa lang sila." Tumango-tango pa si Jhannus.
Why are they jumping into conclusions? I already clarified. I don't like Joaquin. He's just... maybe an acquaintance now? Yeah, right. He's not a stranger to me anymore.
"Ang kulit n'yo. Hindi nga," pakikipagtalo ko na. "Kaya lang kami magkasama kahapon kasi.." If I tell them that we ate together, they might think we're really seeing each other. Bahala na nga sila!
"Kasi?" tanong nila.
I shook my hand. "Kasi wala! There's no reason! Basta hindi ko siya gusto, that's it!"
Yzza laughed. "You'll never know."
Inirapan ko sila. You'll never know my ass.
Pinilit kong ubusin ang chocolate shake ko pati na ang order na pizza. Hindi ko sure kung makakakain pa 'ko ng lunch sa lagay na 'to. I felt full all of a sudden. I sighed while chewing the pizza.
Pagkatapos kumain, sumabay sa' min si Yzza hanggang sa building namin. Wala siyang prof sa subject niya ngayon kaya balak niyang maki-sit in sa klase namin. I sat on my chair and opened my small notebook to see my previous notes in the class that we attended today. Baka may biglaang recitation.
"Hoy, pa-sit in din!" Sumilip si Jhannus sa pinto. Hindi pa pala siya umaalis.
"Boba, may klase ka. Hindi pwede," sagot ni Inna kaya sumibangot si Jhannus bago naglakad paalis.
Nilabas ni Zea ang box ng natirang pizza para ubusin sa mga upuan namin habang naghihintay kami sa prof. Kahit busog na, kumuha pa rin ako. Hindi na nga talaga ako kakain mg lunch.
"Good morning," the prof greeted minutes after we started eating.
Tumalikod kami nila Zea para hindi makitang kumakain kami. When we successfully chewed our pizzas silently, we turned around and looked at the blackboard. Buti na lang hindi napansin ng prof.
Siniko ko si Inna nang maglabas siya ng phone, itinago pa sa loob ng notebook niya. She just simply gave me a thumbs up and a nod, asking me not to make her obvious on what she was doing.
Hinayaan ko na lang siya roon at nag-focus na sa sinasabi ng prof. When the class got dismissed, we waited again for our next professor.
Yzza held the strap of his shoulder bag to leave the classroom when the professor arrived. "I'll go now," she whispered to us so we nodded.
Nakinig lang ako nang nakinig sa lahat ng prof ko sa bawat subject hanggang sa matapos ang lahat ng klase ko. Hindi agad ako nakaalis sa building namin nang magsimulang umambon.
I have no umbrella. I didn't like bringing one with me, that's why. I held onto the strap of my shoulder bag while observing if the rain drops would stop pouring o lalakas pa.
BINABASA MO ANG
He Broke Me First
ChickLitKiela just wanted to make a call on the rooftop of the hospital where her friend got admitted because of a minor injury. She wasn't expecting to see a guy who she had thought to commit a suicide. She only wanted to stop the stranger from killing him...