"Ano ba kasing nangyari?!" tanong ko habang naghihintay lumapag ang sinasakyan naming elevator sa 8th floor ng Gonzalez Hospital.
Hindi ako mapakali sa sobrang kaba mula kanina. Kahit kailan talaga 'yang si Zea! Kinulang yata sa bakuna at lumaking abnormal.
"Aba, malay ko! Hindi ba't magkasama tayo mula kanina? Boba ka," walang kwentang sagot ni Jhannus sa akin.
When the elevator opened, Yzza was the one who greeted us first. "How's Zea? What really happened?" I asked again as we walked faster.
Wala pa man sumasakit na ang ulo ko.
Yzza sighed heavily. She looked stressed too. "Nakipag-away daw. Nawalan ng malay noong tumama ang ulo sa pader."
Si Jhannus na ang nagbukas ng pinto nang makarating kami sa tapat ng kwarto ni Zea. My brows quickly furrowed when I saw her, eating fruits while being seated on the hospital bed like nothing happened.
"Parang walang nangyari sayong hitad ka, ah?" Lumapit si Jhannus sa kanya.
"Wala, okay na ako. Pwede na raw akong lumabas mamaya," sagot ni Zea.
Umupo ako sa paanan niya. "Ano na namang nangyari?" Hindi ako sigurado kung ilang beses na siyang napaaway.
It was quarter to 12 PM when we received a call from Inna, saying that our dumb friend was rushed in hospital. Madaling-madali kami sa pagpunta ni Jhannus dahil kami ang magkasama kanina.
"Wala naman akong ginagawa! Ampucha, kumakain lang kami ni Inna sa Onyok tapos biglang may humablot sa buhok ko."
"Bakit daw? Trip niya lang?" Nagkabit-balikat si Yzza.
"Ampota na 'yon. Kasalanan ko bang ako pa rin hinahanap ni Ethan? Boyfriend niya ang lumapit sa' kin. Hindi ko rin naman alam na sila pa pala!"
"Ethan? 'Yong ex mo?" kunot noong tanong ko. Tumango lang si Zea. Bakit ba sa dinami-dami ng malandi ito lang ang tanga?
"O, anong ginawa mo noong lumapit sayo?" Yzza crossed her arms over her chest.
"Nag-usap lang!" she defended.
I raised a brow. "Are you sure?"
She clicked her tounge. "Ah, basta. H'wag n'yo nang tanungin, tapos na, e."
Pinigilan kong hindi mapairap. Zea should not go outside for days. I was certain she would get herself in trouble again. She was making my head hurt, I felt like I was her mother. Gosh.
"Nasaan si Inna?" tanong ni Jhannus. "Siya kasama mo pumunta dito, diba? Nasaan na?"
Narinig namin ang pagbukas ng pintuan. "May tinawagan lang ako saglit. Bakit?" Sabay-sabay kaming lumingon kay Inna na kagagaling lang sa labas.
Tinignan siya ni Zea. "Kiss mo raw sila isa-isa."
"Sorry, virgin lips ko." pagmamalaki niya kunwari bago nag-lipat ng tingin kay Jhannus. "Hoy, hayop ka 'yong utang mo hindi mo na binayaran." She hit him a little.
"Ay, 'wag gan'yan friend. Ang tunay na kaibigan hindi na nagpapabayad ng utang."
I shook my head before grabbing a banana in Zea's side table. I'm starving. I didn't have the time to finish my food earlier. Akala ko naman kasi mamamatay na kaibigan namin.
Tinignan ko ulit ang dalawa na hanggang ngayon hindi pa tapos mag-bangayan. Mukhang mga tanga.
"Tigilan mo 'ko, Donato Jr. Hindi mo pa kasi hiwalayan 'yang boyfriend mong supot. Baka sa susunod hindi lang motor ang ipabili niyan sayo," pag-sermon ni Inna.
BINABASA MO ANG
He Broke Me First
Romanzi rosa / ChickLitKiela just wanted to make a call on the rooftop of the hospital where her friend got admitted because of a minor injury. She wasn't expecting to see a guy who she had thought to commit a suicide. She only wanted to stop the stranger from killing him...
