"Anong plano n'yo sa Christmas break?"
Binaba ko ang librong binabasa ko at tumingin kay Yzza. Sumandal ako sa upuan. Kagabi pa topic 'yon sa GC dahil sa sobrang excited nila sa bakasyon.
"Quiet."
All of us looked at the librian. We were just whispering but she could still hear us. Naiinis na siguro siya dahil kanina pa kami rito naka-upo pero nag-aaral naman kami!
"Bahay lang ako." Si Jhannus.
Niligpit ni Inna ang mga libro sa harap niya. Hindi ko alam kung binasa niya ba talaga 'yon o binuklat lang niya para may excuse siyang mag-stay dito sa library.
"Same," sagot niya.
"Maybe we'll stay in davao," nakapangalumbabang sabi ni Yzza.
Tumingin ako kay Zea na tulog at mukhang pagod na pagod. "Anong nangyari sa' yo?" tanong ko.
"Siguro naulanan na naman ang kikie," hula ni Jhannus.
Inirapan siya ni Zea. "Nag-review ako tanga."
Automatic kaming nagkatinginan ng mga kasama ko, hindi makapaniwala sa narinig. Parang first time 'yon! Kahit nga pabagsak na subject niya, wala siyang pakialam.
Kumurap si Inna. "Wow, character development 'yan, sis?"
Binato kami ni Zea ng lukot na papel. "OA niyo."
Sabay-sabay kaming natawa kaya napasigaw na ang librarian. "Ano ba?!" She looked at our table, glaring at us.
Pare-pareho kaming napailing at hindi na lang nagsalita. Baka mamaya lapitan na niya kami at sapilitang itulak palabas. Nakasibangot akong nagbalik ng tingin sa librong hawak ko.
Maya-maya, nagtanong ulit si Yzza. "How about you, Kiela? Saan ka sa Christmas break?"
"Dati lang," sagot ko.
Alam naman na nila 'yon. We always spend the whole Christmas break in my mother's province, Nueva ecija to be exact. Simula noong lumipat kami rito sa Manila, roon na namin inuubos ang mga araw ng Christmas break.
We would stay in N.E until on the 24th day of December then go back to Manila to celebrate Christmas in our home. Gano'n ang set-up na napagkasunduan nina Mama at Papa.
Actually, mas masaya sa probinsya. Marami kasi kaming kasama roon. I have a lot of cousins in my mother's side. Malaki ang pamilya namin sa side ni Mama, unlike in my father's side. Isa lang ang kapatid ni Papa pero lumipat pa sa ibang bansa kasama ang pamilya niya nang mamatay sina Lolo at Lola.
Napatingin ako kay Yzza at Inna na sabay tumayo. Sumenyas lang sila na lalabas na sila kaya tumango ako. Tinapos ko na lang iyong binabasa ko. Kung hindi ko man nakuha 'yong exam na iniyakan ko last week, babawi na lang ako. Yeah, I can do that.
Tinapik ni Jhannus si Zea. "Girl, tignan mo!" bulong niya.
Umangat sa pagkakadukmo si Zea. "Ano?"
May nginuso si Jhannus kaya pati ako napatingin doon. My brows arched when Zea suddenly fixed herself when she saw some guy. She even brushed her hair using her fingers then licked her lips
"Saan kayo pupunta?" nagtataka kong tanong.
"May blessing na naglalakad. Kailangan i-grab!" pabulong na tili ni Jhannus.
I massaged my forehead and just told them to leave. They even tapped my shoulder before actually going outside the library. I stood up to bring back the books that I finished reading in the shelf.
![](https://img.wattpad.com/cover/238148729-288-k315292.jpg)
BINABASA MO ANG
He Broke Me First
Chick-LitKiela just wanted to make a call on the rooftop of the hospital where her friend got admitted because of a minor injury. She wasn't expecting to see a guy who she had thought to commit a suicide. She only wanted to stop the stranger from killing him...