Chapter 30

317 12 6
                                    

"Bakit mo sinasabi sakin yan? Hindi ko naman tinatanong."

Nagkabit balikat ako habang nakatingin sa kanya, nagpapanggap na kalmado kahit palihim na sinsisi ang sarili dahil sa sinabi ko kanina.

"Wala. Gusto ko lang ipaalam," nagpigil siya ng ngiti.

"Anong sinasabi mo? Gusto mong malaman ko?" Sumandal ako sa countertop ng sink. Ang tapang ko.

"Oo."

Tumikhim ako. Hindi ko inaasahang sasagutin niya yon ng diretso.

"Edi congrats," wala sa sariling sabi ko.

Congrats?! Saan nanggaling yon?!

"Salamat, nakakaiyak," sarkastikong sagot niya at sinakop nang tuluyan ang lababo kaya napaasog na talaga ako sa gilid.

"Masyado kang mapilit," bulong ko. Sinabing ako na ang maghuhugas, e.

Nakita kong humigpit ang hawak niya sa tangkay ng tasa. Nagtaka ako dahil bigla na lang siyang tumahimik pagkatapos non.

I gulped, thinking if I did or say something wrong. Nilagpasan niya ako nang matapos siya sa paghuhugas.

Sumimangot ako at sumunod. Kinuha ko ang purse at nilagay don ang bracelet niya. Bukas ko na ipagagawa.

I removed my blazer and placed it in the couch. I saw Joaquin glance at me.

He cleared his throat before lifting the throw pillow beside me as if he was trying to find something. Ano bang hinahanap niya?

Kinuha niya yong remote ng aircon doon sa kabilang gilid ng sofa para lakasan yon. Malamig naman na kaya ano pang silbi ng ginawa niya?

Tumabi siya sa'kin, hindi pa din nagsasalita. Kung iniisip niyang tatanungin ko siya kung bakit ang tahimik niya, matulog na lang siya dahil hindi mangyayari yon.

Hindi naman kami close.

Bigla bigla na lang siyang tumatahimik, daig pa niya ang babae.

He seemed chill watching the movie. I rolled my eyes out of frustration. Kinuha ko na lang ang cellphone ko nang mag-vibrate yon.

Nagtaka pa ko nang makita ang text ni Raien, hindi naman kasi talaga to gaanong nagte-text sa'kin.

From: Raien

Mare

To: Raien

Mare who

From: Raien

Pasabi kay Inna sagutin tawag ko hehe

Tumaas ang kilay ko.

To: Raien

Kayo ha ano yan

Gusto ko na agad tawagan si Inna para asarin. LQ sa gabi, really? Iniisip ko palang ang mukha ng kaibigan ko, natatawa na ko.

From: Raien

Issue ka madam pina-order ko lang ng tocino

Malakas akong natawa pagkabasa non.

"Baliw," I was still laughing.

Mag-rereply na sana ko nang biglang may tumawag, unknown number. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang makitang may history ng tawag yong number na yon sakin. I licked my lip when I realized who's contact number it is.

I looked at Joaquin who was holding his phone. He noticed my stares so he raised his brows as if he was already expecting my reaction.

I crossed my arms, showing him my phone. "Is this you?" Masungit na tanong ko.

He Broke Me First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon