Chapter 8

265 26 0
                                    

"Bilisan mo."

I followed my mother while she was busy putting groceries on our cart. Walang pasok kaya sinamahan ko siya, hindi naman kasi pwede si manang dahil matanda na 'yon kaya kami na lang talaga ang gumagawa ng ganitong mga bagay.

I continued on pushing the cart. I sighed and made a bored face. Kanina pa kami rito. I looked down on my feet as I saw my reflection in the glass door of one of the fridges.

Before we came here, I just wore a plain white loose v-neck shirt and a black adidas sport shorts. Nagsuot lang din ako ng white sliders at black cap.

Kukuha sana ako ng pringles at potato chips kaso tinampal ni Mama ang kamay ko. I stopped myself from frowning.

"Ang hilig mo sa maalat," sabi niya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagtulak ng cart. Balak ko sanang mag-aral na lang kanina pero inaya niya akong samahan siya sa pag-go-grocery. I wanted to decline but I had no choice. Alam kong hindi naman niya ako papayagang tumanggi.

Nagpunta kami sa section kung nasaan 'yong mga bath essential. Pagkatapos namin doon, sa mga frozen food naman kami dumiretso. She added some hotdogs, hams and meets on the cart. Hiniwalay ko 'yon sa mga bath essential bago kami nagpunta sa counter para magbayad.

Medyo mahaba ang pila kaya baka matagalan kami. Weekend kasi kaya ang daming tao ngayon sa mall.

"Ma, I forgot something. Balikan ko lang," paalam ko sa kanya.

I took three packs of ready to cook baked mac with me bago ulit ako naglakad. It was my comfort food whenever I'm feeling hungry especially when studying at night. Nang may madaanan, huminto ulit ako at kumuha ng ilang packs ng napkins. Paubos na ang stocks ko, e.

Umarko ang kilay ko pagkakita sa lalaking may kausap na babae habang naglalakad ako pabalik sa counter.

"You can visit my condo if you want." I heard the girl.

Wow. Is he flirting inside a supermarket? Dumaan ako sa gilid nila at sinadyang banggain ang balikat ni Joaquin. Nakita kong napatingin siya sa' kin.

"Kiel-"

Hindi ko siya pinansin, nilampasan ko lang siya. What a flirt. I don't care about him. Why would I even care, right? Sino ba siya? Wala talaga akong pakialam. Then why the hell did I intentionally bump him? I shook my head. Ah, basta.

"Init ng ulo, ah." Sinabayan niya ako sa paglakad.

Huminto ako at humarap sa kanya. He was smiling while playing with his lips using his thumb and index finger. Nakasuot siya ng white shirt at black board shorts.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Don't talk to me. I'm busy."

"Ang sungit mo naman. Alam ko na kung bakit." Tumingin siya sa mga hawak ko kaya mabilis ko 'yong tinago sa likod ko.

Natawa ulit siya. Kinuha niya sa akin ang mga hawak ko at siya na ang nagdala. Hindi ba siya nahihiya? Kalalaki niyang tao may hawak siyang napkins? Naglakad na siya kaya sumunod na lang ako.

"Are you with someone?" tanong niya sa'kin.

Tumango ako at tinuro si Mama na hanggang ngayon ay nakapila pa rin. Sabay kaming naglakad papunta sa counter.

"O, Joaquin! Nandito ka rin pala. Hindi ka namin nakita kanina," nakangiting salubong ni Mama pagkakita kay Joaquin.

Tignan mo 'to! Kung umasta parang si Joaquin pa ang anak at hindi ako! She was so kind to him.

"Kadarating ko lang po." He scratched the back of his head.

"Really? But you're already flirting?" I crossed my arms.

He Broke Me First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon