Chapter 18

267 23 0
                                        

College life isn't easy. That's why I was thankful that I have got through it. Finally, I'll now be able to step closer to my dreams. Graduating na.

Mahirap na madali, oo. Pero lahat naman kayang kayanin, hindi ba? Sometimes, I'd have a hard time because of so many things to do. There were times that both of the projects and reporting were given together as well as the long quizzes in every class. But Joaquin would always remind me that all of my hard works and struggles will be faded off when kapag nasuot ko na 'yong itim na toga. Na hindi pa raw doon nagtatapos ang journey ko.

Everytime na magpa-pass out ako o kaya maiiyak na lang bigla dahil sa nararamdaman kong pressure, lagi lang siyang nandoon sa tabi ko.

He became my comfort zone and I feel so grateful because I have someone like him beside me.

I wiped my tears secretly while looking down. I was being scolded by my prof. Nahuli niya kasi akong natutulog nang pumasok siya sa room namin. I stayed up late last night reviewing, para doon sa nauna kong klase bago ang kaniya.

Tahimik lang ang buong sulok ng kwarto at walang nagsasalita habang dinuduro ako ng prof namin. "Miss Dela Vega, if you want to take a nap then go home and don't do it here in my class, stupid! You just ruined my day. Class dismissed!" sigaw niya at padabog na isinara ang pintuan pero bago pa man siya makalabas, narinig ko pa ang sinabi niya.

"Such a mannerless."

I bit my lower lip as I tried to stop myself from crying.

"May sapak talaga ulo no'n, e. Hindi lang naman subject niya ang meron tayo. Daig pa ang jowa amp. Gusto ata siya lang priority." rinig kong sabi ni Zea at bahagya akong hinila paupo.

Inabutan naman ako ni Inna ng tissue. "H'wag ka nang umiyak."

Bumuntong hininga ako. "Okay lang ako."

Dahil lumabas naman na ang prof namin, wala na kaming klase. Siya kasi iyong last class namin. Dumiretso na lang kami sa canteen nila Zea. Nanlalambot pa rin ako dahil sa kanina pero pilit ko na lang dinistract ang sarili ko para mawala 'yon sa isip ko.

Nakatingin lang sa' kin sila Inna, parang takot na takot may masabi. I laughed awkwardly and pulled their hairs. Hindi ako sanay nang ganito. Pareho lang silang sumimangot pero hindi gumanti.

"Kamusta na kaya si Yzza?" pagbubukas ko ng usapan para naman hindi sila tahimik.

Yzza graduated last year. Nandoon kami ng mga kaibigan ko no'n, kasama ko pa si Joaquin. She just threw a party for a celebration and of course, the gang was completed. After that, hindi na namin siya gaanong nakakausap dahil naging sobrang busy na sa family business nila.

"Stress-free from school works," sagot ni Inna.

"Business works naman ang papatay sa kanya ngayon," ani Zea.

Pare-pareho kaming natawa. I turned on my phone. Nakita ko ang ilang missed calls ni Joaquin at messages. I checked the latest.

Joaquin:

Saan ka? Are you still in your building?

Nag-reply ako.

Kiela:

Canteen why?

Mabilis siyang sumagot.

Joaquin:

Puntahan kita d'yan

Minutes after, nakita na nga namin siyang papalapit sa amin.

"Ayan na pala ang ebeb, e. Alis na kami, Kiela," Zea teased then stood up and left together with Inna.

He Broke Me First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon