Chapter 40

285 10 11
                                    

Last chapter

"Joaquin, it's too early," I complained when his alarm rang at 4 AM in the morning.

Nakahiga pa 'ko sa kama niya dahil dito ako natulog sa condo niya kagabi. I moved to the other side of the bed and covered my face with a pillow. Wala pa akong balak bumangon. Ang aga pa masyado.

Joaquin was already dressed up. He was wearing a black nike shorts and white gym shirt. Ang tiyaga niya bumangon ng ganitong oras.

He smacked my butt after putting his white rubber shoes on. "Bangon na, sleeping beauty."

I graoned. "Babe, go down first," I lazily told him. "Susunod ako."

Tinanggal niya ang unan sa mukha ko. "Gusto mo lang ng kiss para bumangon ka. 'Wag ako," he kidded.

I pulled the comforter until it was covering my chest before sitting on the bed, my hair being messy. I was wearing nothing because of what we did last night. Ang sakit ng likod ko.

Dinampot niya sa sahig ang panty ko bago inabot sa' kin. Kinuha ko 'yon at sinuot kasama ng t-shirt niya. Joaquin stood behind me and pushed my shoulders so I would be fully awake.

Dapat hindi ko na sinabi sa kanya kahapon na gusto kong sumama sa kanya ngayon. Nagsisisi na 'ko. I just want to lay on the bed.

"I thought you want to go to gym?"

Napairap ako. "Hindi ko naman alam na ganito kaaga. What time did we sleep last night?" Umikot ulit ang mata ko.

He slightly scratched his brow, laughing a little. "Grabe. Nangongonsensya pa." He pouted his lips but not looking guilty at all.

Tamad na tamad pa 'ko nang buksan ko ang cabinet niya kung saan nakalagay ang mga dala kong damit. Nagsuot ako ng itim na sports bra at leggings bago pinusod ang buhok ko. I also wore my white sneakers before we went to the gym. Sa baba lang naman 'yon ng condo.

Wala pang tao sa gym pagkapasok namin dahil sobrang aga pa naman talaga. Tumakbo agad ako sa treadmill pagkatapos gawin ang warm up ko. When I looked at Joaquin, he was already busy lifting himself in the pull-up bar.

I tilted my head to the side, not taking my eyes away from him while I was still running. Gosh, he's so hot. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya nang bumaba na siya. He dramatically covered his chest with his hands.

"Naninilip," he accused.

"Hey, I'm just watching," I defended. "But you're so hot."

He stepped back, shaking his head. "Alam mo namang hindi pa 'ko handa sa mga mature scene. Please lang." He hugged himself more.

Tamad ko siyang tinitigan bago binato ang face towel ko sa kanya. Nasapo naman niya 'yon, natatawa na ngayon. Siguro dapat natulog muna siya, e. Mukhang hindi maganda ang epekto kapag maaga siyang nagigising.

Bumaba ako sa treadmill at nilatag ang matt na dala ni Joaquin. I did sit ups first. I rolled my eyes when he put down the dumbbell he was lifting just to clap his hands, annoying me.

"Very good." He gave me a thumbs up. "Ang galing. Kiss nga."

Umamba ako ng tadyak sa kanya nang akma siyang lalapit at hahalikan ako. Nanggugulo lang dahil tapos na siya! Hinatak niya ako patayo nang mayari ako. Pumwesto na ako sa tapat ng salamin bago mag-squat.

I controlled my breathing while I was squatting with my hands holding a small round dumbbell. Umiinom ng tubig ngayon si Joaquin sa gilid ko, nanonood.

"Go, babe. You can do it!" he cheered.

I glared at him. "Stop. Annoying."

He laughed then kissed me quikly on my cheek.  Mukhang nanggigigil pa siya. Inabot niya sa' kin 'yong tumbler pagkatapos ko sa ginagawa ko. After that, sabay na kaming nag-cool down. Saktong 7 AM na nang bumalik kami sa unit niya para gumayak na papasok ng trabaho.

He Broke Me First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon