Chapter 39

315 10 8
                                        

"You look in a good mood today, huh?"

Tinignan ko si Coleen habang pababa ako ng hagdan at kinakabit ang hikaw ko. Kumakain siya ng cereal, nakasuot na ang school uniform dahil may pasok siya ngayon. Anong oras na pero nandito pa rin siya.

"Yes. So don't ruin it," I said. Tumingin ako sa relo kong suot. "It's quarter to 8 AM already. Bakit nandito ka pa? Bilisan mong kumain. Late ka na."

I went to the kitchen to get a glass of water. Hindi pa 'ko nakakalabas ng kusina naririnig ko na si Mama na pinagagalitan si Coleen mula sa living room. Lumabas ako para tignan ang itsura ng kapatid ko.

She was now eating a banana while our mother was nagging. Dahan-dahan tuloy akong naglakad para makaiwas. Ayoko namang madamay!

"May lakad ka ba, Syrbia?" I stopped walking when she noticed me.

Umayos ako ng tayo. Sinilip ko pa ang kapatid ko na ngumunguya, nakasimangot at parang nagrereklamo pa. Nilagay ko sa likod ng tainga ang ilang hibla ng buhok ko bago tumango. I was wearing a black tube and mom jeans because today's my day off.

I planned to go shopping today. Wala lang. I wanted to reward myself. I've been working hard so I think I deserve to buy myself a present. Nakahiwalay naman na ang ipon ko.

Ngayon, gusto kong bumili ng bagong kotse. Pinag-iisipan ko pa kung kailan. Maybe next month or two months from now. I don't know. Nagdadalawang isip pa kasi ako.

Parang gusto ko na kasing tumingin ng lupa para sa bahay na gusto kong ipatayo. Kahit lupa pa lang sana. Okay lang naman sa' kin kahit hindi gaanong malaki. Kung anong kaya ng ipon ko. Hindi ko naman kailangan ng mansion.

But I knew what I needed the most now is a car dahil nagkakaroon na ng problema ang sasakyan ko. In fact, pinakuha ko nga kagabi sa mekaniko. Tatawagan na lang daw ako kung kailan mababalik. Nagkaroon ng problema 'yong makina. Madalas na nga mangyari 'yon.

"Anong problema d'yan?" Bumaba na si Papa.

"Ipasasabay ko na si Coleen kay Syrbia. 'Wag na ikaw ang mag-hatid at baka mapano pa kayo sa daan dahil d'yan sa kamay mo." Si Mama.

Hindi kasi kayang mag-drive ni Papa. He was stabbed in his right hand yesterday. May sumubok daw kasing tumakas na preso habang naka-duty siya.

My father nodded. "Sige, mahal," sagot niya bago ako binalingan. "Susunduin ka ba ni Joaquin? O 'yong sasakyan ko ang gagamitin mo?"

"Joaquin will fetch me, Pa."

Tumango siya. "Ikaw, Coleen? Anong plano mo? Don't urge me to confiscate your gadgets. H'wag mo 'kong subukan," paalala niya.

My sister frowned. "I hate going to my first class. Ang sungit at pangit kasi ng teach-"

Hinampas ni Mama ang braso niya. "Tatahiin ko 'yang bibig mo. Magtigil ka."

Mas lalong sumimangot ang kapatid ko habang hinihimas ang braso niya. "Don't cry," I mouthed to piss her off. Kinunotan niya ako ng noo at palihim akong inirapan.

Magaling naman siya sa class niya. She's even a top student. The only problem with her is that, sobrang maldita niya. Well, she was born that way but she's not really a trouble maker. Maldita at maarte lang talaga. Why am I stating the obvious, anyway?

Sinilip ni Joaquin ang kapatid ko sa rear view mirror pagkatapos ay tumingin sa' kin. I crossed my arms. Kanina pa niya siguro napapansin ang mukha ni Coleen na hindi maipinta.

He Broke Me First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon