Chapter 11

261 25 0
                                        

"Nasa sasakyan na ba lahat?"

Tumango ako kay Mama pagkatapos ilagay ang maleta ko sa compartment ng sasakyan namin. Simula na ng Christmas break kaya naghahanda na kami papuntang Nueva Ecija.

Parang hindi na nga kami babalik sa mga gamit na dala namin. May dala pa atang microwave si Mama sa loob ng maleta niya. Abot pa ang check kung may nakalimutan kami.

I went inside the house again to get my neck pillow. Nakalimutan kong dalhin kanina. Mabilis pa namang mangalay ang leeg ko lalo na pag malayo 'yong byahe. Pagkakuha ko no'n, lumabas na rin agad ako. I closed the door before locking it.

I was wearing a pair of mom jeans and a mustard bodysuit. Suot ko rin ang white sneakers ko. Binuksan ko ang pinto ng backseat at hinagis do'n ang neck pillow ko.

"Sigurado ba kayong wala na kayong naiwan?" tanong ulit ni Mama.

"Oo, mahal," sagot ni Papa bago umikot papasok ng driver's seat.

Nagpasok pa si Mama ng ilang boxes ng mga gamit namin sa loob ng kotse kaya hindi pa ako makasakay. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang wala ng space para sa' kin.

Coleen was so comfortable sitting in the other side of the backseat while boxes were placed beside her. She was wearing a black skirt and white cropped top. Nakapusod pa nang mataas ang buhok niya.

"Ma, there's no space for me." I clicked my tongue. "Saan naman ako sasakay?" Punong-puno ng boxes ang loob ng kotse. Hindi na talaga nagkasya sa compartment ang mga 'yon dahil sa dami ng dala namin!

"Sa' kin ka na lang sumakay."

Agad akong humarap kay Joaquin nang marinig ko siya. Pinagmasadan ko ang kabuoan niya. Nakasuot siya ng itim na board shorts at beige round neck shirt. He was also wearing a silver necklace and a wrist watch.

He looked like a model I had to avert my gaze quickly, trying to hide the admiration that was probably written on my face. He smelled good too.

"Ayan na pala si Joaquin. Syrbia, sa' kanya ka na sumabay," sabi ni Mama.

Umawang ang labi ko. "Ano? Bakit? Ang layo ng pupuntahan natin, Ma. 'Wag n'yong sabihin na ihahatid pa ako ni Joaquin doon?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Sasama siya satin, Syrbia. Nagpaalam na si Joaquin kila Jessy."

"But we'll stay there for almost two weeks. Are you both serious?!"

"O, anong problema? Sumakay ka na at baka abutan pa tayo ng traffic sa daan," pagtatapos niya sa usapan.

Ano bang pumasok sa utak ni Mama at pumayag siyang sumama sa amin si Joaquin? And how the hell did he know that we're going to Nueva ecija for vacation? Wala naman akong nababanggit sa' kanya!

"Let's go," Joaquin gestured me to get inside his car.

I licked my lip a little. Is he being serious? Tutuloy talaga siya? I mean, hindi naman sobrang dali matapos ng 2 weeks! Saka ano namang gagawin niya roon? Baka mainip lang siya!

It's not that I didn't want him to come with us. I'm just worried about him! Ayoko namang masayang ang bakasyon niya kung sakali! Ugh. I couldn't believe this is really happening.

"Sabihin mo lang kung magtititigan na lang tayo rito," he sarcastically told me.

I made a face before going inside. Kinabit ko ang seatbelt ko pagkapasok din niya sa kotse. "Did your parents really let you go with us? Alam ba nilang sa N.E tayo pupunta?"

"They know, don't worry."

I nodded. "But how did you know that we are leaving for a vacation, huh?" I crossed my arms over my chest.

He Broke Me First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon