♣️BERNADETTE'S POV(ODETTE)♣️
We are currently headed sa Dorms namin na mukhang condo, ay wait. Wrong house pala. Hehehehe. Ang titirhan namin dito ay mala-mansion na lugar dito sa may North Side ng School. Anlaki kasi ng school kaya madaming mga mansion dito dahil daw ang mansion ang simbolo nga Gang with Ranking.
"Odette, kamusta na ba ang buhay ng pagiging bff ni Alas?" Hayst. Kung naexperience mo lang talaga Sean kung paano maging kahit schoolmate lang ni Bessie ay mapapa-wtf ka talaga araw-araw.
"Sean, stop calling Alas, Alas" suway ni Rosemary eh siya rin naman tinawag si Alas na Alas. Hypokrita rin ang gaga. Wait, ang tawag namin ni Bessie Cassiopeia is Alas but her name is Spade sa Gang namin and we rarely call her by her actual name dahil totally opposite siya sa pangalan niya nga mga constellation at ang mga maliliwanag na bagay sa space pero ang entirety ni Alas ay para talagang Spade, maitim at delikado.
Ginagamit lang namin ang totoong pangalan ni Alas kapag tinatawag namin siya at kailangan namin ang full attention niya just like what I did before we got expelled from that University yesterday.
"Alas!" Tawag ni Shanara, di mo man makita na nilingon niya si Shanara pero nakikinig din yan unconciously kaya di mo dapat siya chinichika dahil dinig na dinig ka niya.
"Alas!" Si Rosemary naman ang tumawag and same reaction.
"Alas!" Rezen.
"Alas!" Orion
"Alas!" Sean
"Alas!" si Saturn naman ang sumigaw habang binubuksan ni Bessie ang mansion doors.
"Bebs!" Ay pest panira naman tong si Orion eh. Imbis ako na ang tatawag kay Alas eh binasag niya ang Alas streak. Leche.
"Hoi Orion! Panira ka talaga ng Alas streak!" Inis na sabi ni Rosemary pagkatapos niyang batukan si Orion. Narinig naming tumawa si Alas. Wews. Naging Good mood ata toh ah?
♠️ANDROMEDA'S POV♠️
Napatawa ako sa kabaliwan nila. HAHAHA. Nabasag ang Alas streak nila. Malilimutin kasi kami kaya may Deal kami na kapag silang lahat ay nakatawag sa'kin at walang dumoble ng sigaw at puro Alas lang ang sigaw, kahit outsiders ay dapat tahimik. I will spar with them.
"Oh? Pano nayan? Nabasag ang Alas nyoh?" Asar ko sa kanila. Napansin ko si Odette na nakangiti na parang stalker. Putspa naman ang mukha nyah, naiilang ako sa kawerduhan niya.
"Eh kasi naman Alas ehhh!" Pabebeng sabi ni Baby Saturn. Napatawa lang si Bebs na nakabasag sa Alas streak nila.
"Pasok na mga Chicken" sabi ko at binuksan ang double door entrance ng mansion namin. Ang pintuan pa lang ay may tatak na namin, yun ay ang Spades♤. My code name and our seal.
"Welcome, Dios De Espadas sa bagong Den natin" sabi ni Rezen in a host-emcee type of way. Napatawa nalang kami lahat sa lokong toh. Agad naman silang nagsiakyatan sa mga kwarto nila sa 2nd floor. Inakyat ko hanggang 3rd floor kung saan naka ukit ang spade sa double door at may nakalagay na Alas na Gothic Letters na font.
Binuksan ko ang kwarto and behold my room befitting a Leader. Props to the for having a rank based system dito sa skwelahan na 'toh.
We are basically untouchables. Our rank in the UG? Alright. That's for Dios De Espadas to know and for you to find out.Ang kabuoan ng kwarto ko? Red and black. Roses in vases and different shades of red with black. It has a gigantic bed with a princess type of bed frame pero itim and design. The closet is a walk-in one and everything is to my liking.
"Alas! May tao dito---este nasa gate pala HAHAHHA anlayo kasi ng mansion sa gate" natatawang sigaw ni Rosemary. I just mentally facepalm dahil tinatamad ako na mag facepalm physically.
Open and pwedeng pwede kong talunin ang ikatlong floor papunta sa ground floor mula dito sa balcony type style na platform. Tinalunan ko ang railings dito and proceeded to steadily and awesomely fall unto the ground floor.
Silang lahat na nandito sa baba ay napanganga nalang sa ginawa ko. Ang mukha ni Bebs at Saturn ay puno ng aggressive concern.
"Hoy Alas! 3rd floor yan tapos tatalunin mo lang?!" Wews. Sabay pa magsermon. Mas matanda pako sa inyong dalawa. Putspa. I gave them a death stare and and hindi nagiwas ng tingin ay si Bebs kaya mas nilapit ko ang mukha ko sa kaniya.
"Orion, Gusto mo bang mabuhay ng matagal?" Tanong ko na may halong banta kaya't iniwasan nalang niya ang titig ko. Tss. I win.
Nilapitan ko ang bintana at nakita ang isang mala-high ranking dude outside our gate. Iniisip ko kung magpapakita ba ako o hindi? Tinatamad ako so tinitigan ko si Rezen as a sign na siya ang lumapit doon.
"Ugh. Fine" suko niya sa titig ko. Napatawa nalang si Saturn sa inasal ng bf niya. Tinitigan ko rin si Sean na samahan si Rezen and of course, wala nang angal dahil takot yan saken.
Pinanood namin ang usapang hindi manlang umabot ng isang minuto nila nung lalaki at nilingon kaming nasa bintana ni Rezen.
"Alas!" Rezen
"Alas!" Sean
"Alas!" Bebs
"Alas!" Saturn
"Alas!" Rosemary
"Ala---" si Odette nalang sana at natapos nila ang Alas streak pero biglang simigaw yung lalaki.
"Hoi! Leader ng Gang na toh! Lumabas ka ritooooo!" Napatawa naman ako ng malakas dahil sirang sira ang expression nila dahil nabasag nanaman ang streak nila.
"Lecheeee!" Inis na sigaw ni Odette na ikinatawa ko pa ng sobra.
"Let's go" natatawa ko paring sabi pero sila ay sira na ang happy-go-lucky mood nila. Hayst. Gusto ko nang gumawa ng kalokohan dahil kaunti nalang at sasabog nako sa kakaunting entertainment dito.
Pinuntahan namin ang gate na saksakan ng layo mula sa mansion. Pagkarating namin doon and yes, 'namin' dahil sumama silang lahat. Basag na ang mood nina Sean at Rezen.
"Speak" si Bebs ang nagsalita at mukhang inis na inis dahil sa basag na Alas nila.
" I-I'm here as the u-uhm Messenger of Aces of Sins" tsk. Messenger na nauutal? What a poor choice of footmen.
"and?" sabi ko at nagpatuloy siya sa pagsasalita. Halatang natatakot na siya sa aura ng mga kasama ko habang ako natatawa nalang sa nangyayari.
"Diamonds" Utos ko sa kanila kaya iniba nila ang aura nila or mood kumbaga. It's our code if I want them to behave, madami kaming codes pero malalaman niyo rin naman yan habang habang nagtatagal.
"Continue, what you were saying" utos ni Shanara with a somewhat friendly tone para di matakot ang so-called Messenger nila.
"The Aces of Sins orders you to be prepared for your welcoming party tomorrow because he has a special welcome for you and especially your leader" Salamat at hindi siya nautal nang masabi niya ang message nila. Natawa naman si Rosemary sa message nila at gayun din si Saturn.
"Tell your boss na ' We Appreciate the warm welcome and we're looking forward to it', that is my reply" nakasmirk kong sabi sa messenger at nagbow naman ito. Wews, trabahante talaga.
(A/N:
Wews... ano sa tingin nyo ang rank nina alas???
Ang mga boyfriends ni Alas ay iniignore na niya and only entertains them when they seem interesting but most of the time ay titles lang ang relationship sa kaniya and hindi siya seryoso.)
YOU ARE READING
Spade Chance
Random"Putspa" "Alright" "It's the Spade!" "Oh look! Di nasunog ang buong building" "Let's break up, okay? Wala akong pake sayo, kahit pangalan mo nga di ko maalala eh" Hayst. "I'm dominating you, Darling" And so much more- read Spade to know the story of...