RECRUITS (2)

2 0 0
                                    

ORION'S POV

"Oh? Andito rin pala kayong dalawa?" bati ko kina Iana at Seri na nasa entrance ng UG. 

Agad naman silang napalingon sa akin at kay Odette na nasa likuran ko. Nagwave naman si Odette na para bang naakwardan siya sa sitwasyon namin ngayon. 

"Ay Oo nga pala, you guys did say na pupunta kayo dito earlier" sabi ni Seri na para bang nakalimutan niya ang nangyari kanina sa klase. Ang itsura nila ay mukhang mali sila ng pinuntahan eh dahil inililibot parin nila ang mga paningin nila.

"Kayo lang ba ang nandito?" tanong ni Odette sa kanila at tumango naman silang dalawa.

"Kayo rin ba?" tanong ni Iana pabalik at umiling naman si Odette habang tinignan ko ang kotseng sinakyan namin kung nakalabas na ba sina Bebs at yung boyfriend niya.

"Ayun na pala sila oh" sabi ko habang nanatili parin ang tingin sa kanila na bagong labas palang ng kotse. I can definitey see that hickey from a mile away dahil sa sobrang pula nito.

ANDROMEDA'S POV

Narating namin ang kinaroroonan nina Bebs which is the entrance ng UG. Halatang nakita na ni Bebs ang hickey sa leeg ni Venice dahil napangiti siya habang nakatingin parin sa aming dalawa. Mukhang naging awkward ang lahat simula nang mapansina nina Iana at Seri ang hickey niya. 

Well, atleast I know that their attention is with us now at wala sa iba kaya't smooth sailing ang plano. 

"Let's go, Follow me" sabi ni Venice at dinala kami sa Lounge niya which looks pretty nice. Inutusan niya ang mga tauhan na dalhan kami ng drinks and types of desserts at ilang segundo lang ang dumaan at dumating agad. 

"So, sino.....?" pagdadalawang-isip at awkward na bulong ni Iana sa akin. Napangiti naman si Venice bago nagpakilala sa kanilang dalawa.

"Pardon my rudeness for introducing myself late, ladies. Venice Belvara is my name and by my last name you would probably already know who I'm known as" smug niyang pakilala sa kanila na sobrang hanga naman sa kung sino man siya.

"Belvara? ...... As in that Belvara? Youngest and richest shareholder ng UG na 'toh?" di maaniwalang tanong ni Seri habang nakanganga parin.

"Pakisara ang bibig at baka mapasukan ng langaw" birong sabi ni Bebs kay Seri at nagtawanan naman sila habang ako ay uminom ng wine.

"What's....uh....yung relation mo sa kanila?" Tanong si Iana at itinuro kaming tatlo.

"Boyfriend siya ng besfriend ko/ Boyfriend siya ng Kambal ko" sabay na sagot nina Bebs at Odette at napatawa nalang si Venice dahil nagtinginan pa silang dalawa.

"Boyfriend mo siya?!" sabay na react nina Iana at Seri.

Naiiirita nako dito sa dalawang toh eh, grabe makareact kasi. Sarap pag-uuntugin. 

ROSEMARY'S POV

"Oi, matagal pa ba yan?" inip kong tanong kay Nara at Ren na nagcococpy ng mga files sa main computer ng UG. Kanina pa kasi kami andito tapos di pa ako kumain kanina kaya nagugutom na ako. 

"Eh, kung tumulung ka dito sana kanina pa tayo natapos noh?" sarkastikong sabi ni Ren at si Nara naman ay focus parin sa ginagawa niya. 

"Tanga ka ba? Dalawa lang yung flashdrive na dinala niyo tapos nagrereklamo ka pa na di ako tumutulong? Ano gusto mo na isaksak ko saliri ko siya para macopy ko sa utak ko yan?" inis kong tugon sa sinabi ni at bigla naman siyang tumayo. 

Agad namang pumagitan sina Sean at Star sa aming dalawa. 

"Tigil na yan kung ayaw niyong pag-uuntugin ko kayo diyan" awat ni Nara habang hindi parin nakatingin sa amin.

*DING*

Tumunog na yung computer, so ibig sabihin ba nun tapos  na ba? Kung tapos na, gusto kong pumunta sa street foods at kumain ng calamares doon.

"Tapos na, Tawagan niyo na si Alas para alam niya at di tayo pagalitan nun" ma-awtoridad na utos ni Nara. Hayst. Minsan talaga nakakatakot si Nara.

"Okay, Ako na tatawag" Sabi ni Sean at tinawagan si Alas.

Tinanggal ni Ren ang dalawang flashdrive na nakasaksak sa computer at ibinigay kay Star at siya ang humawak, yun kasi ang utos ni Alas kanina.

"Baba na daw tayo tapos hintayin daw natin sila doon sa parking lot at wag daw lalabas ng kotse dahil kasama parin daw nila sina Iana at Seri, pupunta daw tayo sa tambayan" sabi ni Sean at sinunod naman namin.

ODETTE'S POV

Simula nang malaman ni Iana na may boyfriend na si Alas ay mukhang gusto niyang sabihin kay Silver kasi kanina pa niya sinusubukang kunin ang cellphone niya mula sa bulsa niya nang hindi napapansin pero laging nabibigo. 

"Andito lang ba kayo para tumambay?" Tanong ni Orion sa kanilang dalawa.

"Nagkamali lang kasi kami ng napuntahan eh tapos nakita niyo kami and here we are" paliwanang ni Seri at uminom ng juice.

"Are you guys just here to chill?" tanong ni Iana at tumingin kay Alas, sasagot na sana siya ng biglang tumunog ang phone niya. Sina Star na ba ang tumatawag? Natapos ba nila?

Umalis muna ng saglit si Alas para sagutin ang tawag at naiwan kaming lima. Nag-awkward silence naman bago kami nagsalita ulit.

"I'm just gonna say it, Venice, alam mo ba ang pinang-gagawa ng girlfriend mo?" Diretsong sabi ni Iana at siniko naman siya ni Seri dahil sa sinabi niya. Si Orion naman ay agad na nagpipigil ng tawa at ako naman ay napaface-palm sa sinabi niya kay Venice.

"Of course, I knew right from the beginning" sagot niya naman.

"Pero bakit----?" magsasalita pa sana siya nang inunahan siya ni Venice.

"Ganito kasi yan, Alas doesn't take anyone seriously and remembers anyone as if they were special dahil sa una pa lang ay binabalaan ka na niya, this is a give and take relationship. Not pertaining to love but to the  things that you hold" paliwanag ni Venice.

"Alas always says this before accepting you, "Alright, I'll accept you but don't think you're special, there are a lot of you and I don't take relationships seriously. I look forward to what you have"  that's the warning and they all accepted it" dugtong ko sa sinabi ni Venice.

"She has a different perspective on things and she's Alas, so you can never really expect her to value something she doesn't find amusing or necessary to her" dagdag ni Orion sa sinabi ko at natahimik si Iana. Ensaktong pagkasabi ni Orion nun ay bumalik na si Alas galing sa tawag niya.

"Let's go" sabi ni Alas sa amin at naunang umalis palabas. Bahagya namang tumawa si Venice bago tumayo at sumunod sa kaniya. Nagpaalam muna kami ni Orion sa kanilang dalawa bago sumunod sa kanila.

Iniwan namin sila doon at sumakay sa kotse.





"Alright, Punta tayo sa tambayan"





(A/N

give and take with the things u hold daw...)

Spade ChanceWhere stories live. Discover now