Andromeda's POV
(Meanwhile in DDE... this is happening at the same time as the previous chapter in Julliana's POV)
Pinaglaruan ko ang yelo sa baso ko habang nakaupo dito sa may counter dito sa bar ng mansyon namin. Pinagmasdan ko naman ang mga kasama kong panay lagok ng mga nakuha kong bagong Red Horse kasi nga naman nabili ko na yung kompanya nung nakaraan.
"Hindi ba't magme-meeting tayo dito?" Tanong ni number 1 sa akin nang makalapit siya.
"Oo nga Bebs, titingnan mo pa yung nakuha natin eh" Sabi pa ni Bebs at bumukas ng isa pang bote ng Red Horse.
"Bakit? Ano ba yung nakuha niyo?" Curious na tanong ni number 3.
Tsk. This was supposed to be a secret.
"Ano bang ginagawa niyong apat dito? Anong meron?" Pag-iiba ni Sean ng topic para wala nang masabi si Bebs na pwedeng ikadulas ng ginagawa naming misyon.
"Teka lang muna ah, ilang rounds nga pala nagtagal si Venice?" Singit ni number 3 sa usapan kaya't binatukan siya ni number 5.
"Isa lang, lintek! Sagutin mo nalang kaya ang tanong" Inis na sabi ni Venice at binigyan ng matalim na tingin si number 3 kaya't napa-peace sign nalang siya. Uminom pa siya ng Red Horse bago sumagot.
"Pumunta lang naman ako dito dahil kasama ko si Callus" Rason naman niya kaya't napakunot naman ang noo ko.
"Anong koneksyon?" Sabay naming tanong ni Bebs at nagtinginan kami. Napangiti naman ako ng bahagya dahil mukhang malawak din ang ngiti niya.
"Nagtext kasi si Jenz na pupuntahan ka daw niya" Explanation naman ni number 3 habang napakamot sa batok niya.
Jenz? Si number 1 ba yun?
Tumabingi naman ang ulo ko sa narinig ko at nang mapansin nila ang gawi ko ay agad naman akong nilapitan ni number 1.
"Baby, ako ang tinutukoy niya. Kung sanay inalala mo ang pangalan ko or namin, edi sana di ka malilito ngayon" Mahaba niyang litanya at umakbay sakin habang hinalikan ang pisngi ko.
"Hoi Jenz! Pachansing ka naman diyan" Dinig kong sabi ni number 3 kaya bahagya naman kaming napatawa lahat.
"Fine" Iyan ang tangi kong tugon sa litanya ni number 1..-uhm-I mean Jenz.
"Tutal naman, inaalala na natin yung pangalan ni Venice edi lahatin nalang" Sabat pa ni Sean na naglalakad papunta sa cabinet na puno ng whiskey. Kinuha niya pa ang nakasealed na bagong bili.
Okay lang naman, kaysa naman ang mamahalin yung kunin niya.
"Pa'no mo naman nalaman Jenz kung saan si Alas?" Takang tanong ni Star.
"Kasama ko kasi siya nung nagtext ka sa akin" Si Venice naman ang sumagot at napatango nalang sila.
"Paano nalaman ni number 4, I mean-- uhh, ni Nemus?" Biglaang tanong ni Ren kaya't nagtinginan kami lahat. Tinignan ko si Jenz para manghingi ng explanation pero nagkibit-balikat lang siya.
"Where is Nemus?" Nagsilingunan naman kami sa buong kwarto nang magtanong si RM nun. Kanina pa kami nandito pero wala si Nemus.
Sinenyasan ko naman si Odette na siya ang maghanap kaya umakyat naman siya sa main floor at sinama pa niya si Nara papunta sa study room.
"So ibalik natin ang naunang tanong kanina, bakit nga kayo nandito?" Pag-iiba ni Orion sa topic.
"Is it because of Nemus?" Tanong ni Ren nang wala kaming narinig na sagot mula sa apat.
YOU ARE READING
Spade Chance
Random"Putspa" "Alright" "It's the Spade!" "Oh look! Di nasunog ang buong building" "Let's break up, okay? Wala akong pake sayo, kahit pangalan mo nga di ko maalala eh" Hayst. "I'm dominating you, Darling" And so much more- read Spade to know the story of...