RANK

2 0 0
                                    

Shanara's POV

"Oi! Nara! Tulungan moko dito" sigaw ni RM nang utusan siya ni Alas. Agad ko naman siyang sinundan nang matawag niya ang pangalan ko.

Pagkapasok ko sa loob ay bumungad sa aking mga mata ang mapula-pulang likod ni Venice.

Fresh wounds.

Marahas talaga makipaglaro yang si Alas kaya't nasanay na kami sa mga kama-sa-condo sessions niya.

Pati ba naman ang kama ay napahiran na ng dugo. Nilapitan ko naman si RM na ginagamot ang likod ni Venice. Natawa naman ako si kinalalagyan nito.

"Oh Nara, ikaw na bahala dyan sa  harapan at kamay niya" utos ni RM nang marinig niya yung pagtawa ko.

"Aray naman Rosemary! Hinay hinay lang dyan" reklamo ni Venice at napatagilid nalang ang postura dahil sa hapdi.

Napailing nalang ako nang masimulan ko ang pag-gamot kay Venice.

Kung si Odette ang nautusan neto ay siguradong maglalaway nayun sa kagandahan ng katawan ni Venice. Tss.

"Ilahad mo yung mga braso mo" Utos ko sa kaniya at ginawa naman niya.

"This is the first time you've been this close to me, Shanara" biglaan niyang sambit. 

-This is the first time you've been close to me, Shanara

-This is the first time you've been close to me, Shanara

-This is the first time you've been close to me, Shanara

Nag-echo sa utak ko ang salitang sinabi niya. Mukhang nababaliw na ata ako. 

Is he trying to flirt? Hindi ba't gusto niya si Alas? 

Masyadong madaming tanong ang bumabagabag sa isipan ko at hindi ko namalayan na nadiininan ko na pala ang paglagay ng betadine sa braso niya dahilan ng pagngiwi niya sa sakit.

"Araaaayyyy! What the fuck?! Shanara naman!? What was that for?!" Inis niyang sigaw kaya't binatukan siya ni RM.

"Isa ka pa Rosemary! Ba't ka nambabatok?!" Singhal niya. Napabuntong-hininga naman si RM bago magsalita.

"Malandi ka kasi kaya nabigla si Nara" Mariin niyang saad at mukhang diniinan niya din ang paggamot sa likod niya.

"Arayyyyy nga!" 

"Kaya manahimik kang bakla ka!" Mabanta pa niyang dagdag. 

"Hoy Shanara, mukhang nabighani ka ata sa kagwapuhan ko at nakatunganga ka na diyan?" Nabalik ako sa realidad nang mapitik ang noo ko. 

"Ow!" Hinawakan ko ang noo kong kawawa at tinapunan siya ng masamang tingin.

"Fuck you" Inis kong sambit at nagpatuloy sa paggamot ng walang imik. 

Tss. Kagwapuhan my ass. Ilampaso ko pa yang mukhang yan sa sahig eh!

Iilang minuto ay natapos narin kami dito kaya't lumabas na kami mula sa kwarto.

Mukhang natapos narin ang paglinis nila.

"Oh tapos na? Halina't magsilabasan na tayo because magme-meeting pa tayo" sabi ni Odette nang makita kami. Agad niya namang pinagtutulak ang mga boyfriends ni Alas papalabas ng pintuan.

"Lezgo, DDE. Alam niyo namang maiinis si Alas kapag pinaghintay natin" saad ni Orion at sinunod namin siya nang maglakad siya papalabas. Nang makalabas kami ng building ay naunang umalis ang boyfriends ni Alas kasi may sarili silang kotse eh, tss. Perks of being rich, I guess. Nauna na din si Odette kasama nung boyfriends kasi gamit niya ang kotse ni Silver.

Spade ChanceWhere stories live. Discover now