🌌NEPTUNE'S POV🌌
"Anyways, students. Wala muna tayong assessment ngayon dahil makikipag-usap muna ako. Tapusin ninyo ang paper na pinagawa ko sa inyo last time" sabi ko at tinignan si Cassiopeia.
Alam na niyang gusto ko siyang makausap, lumabas ako sa room at dumiretso sa Royalties Lounge para kausapin ang kapatid ko at ang gang niya.
Pagkaupo ko sa Sofa dito ay nakasunod na sina Cassiopeia at ang gang niya, kasama ang Regalia Supreme...
Wait, Pati ang Regalia Supreme?
"Oh? Ba't nandito kayo?" Tanong ko kay Iana na maowtoridad.
"Nacurious po kasi kami Sir" sagot naman niya habang nakangiti at hinihintay ang pagpayag ko.
"Please, go back to the room dahil wala kayong kahit anumang koneksyon sa amin" mariin kong saad at narinig ko pang nadismaya sila. Umalis sila at naiwan sina Cassiopeia.
"Ba't nandito ka Kuya? Diba business trip ka ngayon?" Tanong ni Orion habang nagpa-de kwatro.
"Oo nga Kuya, ang alam namin ay pinadala ka ni Dad sa may France?" Dagdag pang tanong ni Baby sis. Si Cassiopeia naman ay nakatutok lang sakin.
Hayst! As if naman nababasa ko ang isip ng kapatid kong ito.
"This is the business" sagot ko naman na ikinakunot ng noo nilang lahat.
"Kuya Neptune, teacher ka diba? Pano naging Business?" Si Odette.
"Kuya Neptune! Alam mo bang si Fortune, as in si 'Fortune of Salazar' ang Head dito?" Excited na tanong ni Sean habang palapit ng palapit ang mukha niya sa akin.
Oo nga pala, Salazar fanatic si Sean.
"That's the business" sabi ko habang tinuro ko pa si Sean. Naguguluhan parin sila pero si Cassiopeia naman ay tumango-tango na para bang alam na niya ang pakay ko rito.
"Si Lola ba ang nagpadala sayo?" Tanong ni Cassiopeia at nag-ayos ng upo.
Mukhang may ideya na siya sa ginagawa ko rito.
"Yes, I'm here for Fortune dahil kailangan namin ng tulong niya and I guess, sinali na kayo ni Lola sa misyon. You are a part of the Business Matters that I have in Decente De Leona" explain ko sa kanila at nagets naman nila.
We shouldn't really discuss this in an open area dahil baka may nakikig at delikado na kapag may nakarinig sa 'Business Matters' namin dito.
Tumayo naman si Cassiopeia at inilahad sakin angg Aces of Spade na card na may pirma niya sa likod nito. Ah, I know what this is.
"I'm surprised you find this amusing" natatawa kong sabi habang tumayo. Tinanggap ako ang Spade Chance at agad namang napasmirk si Cassiopeia at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa niya.
"I find 'you' amusing, brother" mukhang nag-eenjoy talaga siya sa sitwasyon ngayon. Since madaling mabored si Cassiopeia ay talaga namang gugustuhin niya ng libangan ngayon.
"I'll use it well, Cassiopeia" sabi ko and she patted my shoulder bago paman siya umalis.
"Nice to see you Kuya!" Masayang sabi nina Shanara, Rezen, Saturn, RM(Rosemary), Odette at Orion. Sinundan naman nila si Cassiopeia sa pag-alis nito.
Mukhang mapapadali ang trabaho ko ngayon na't nabigyan ako ng SC ni Cassiopeia. I admit that she should have been the Heir of Dad pero ako ang eldest and I'm not lacking in any area naman kaya't ako ang pinili.
Of course, not gonna lie but she is more suited in this field than I am.
🙃SILVER'S POV🙃
"Wow! Astro pala si Terror prof" Di makapaniwalang sabi ni Lhoyd. Nandito kami ngayon sa Weaponry Room para magpractice para sa upcoming tournaments kung saan kasali ang iba't ibang school katulad sa amin. Inannounce kasi kanina na practice nalang this week at next week na ang mga acads.
"Honestly, they do have some similarities and you know, napansin ko rin ang pagsmirk nilang dalawa. I definitely see the resemblance" natatawang sabi ni Iana.
"Oi Rayyyyy! Ako gagamit ng whip! Last week mo pa yang ginagamit eh!" Reklamo ni Bea na sinusubukang agawin ang latigo na hawak ni Ray.
"Ladies! And gents! Andito pala ang mga Regalia Supreme!" Napatingin kami sa pintuan at ang naroroon ay isang miyembro mula sa Dios De Espadas na si Sean.
"Hey Seri!" Masaya niyang bati kay Seri at nag-wink. Agad namang namula ang mukha ni Seri at biglang humalakhak si Sean. Nawala ang ngit ni Seri dahil naguguluhan siya.
"HAHAHAHAHHA! DAFUQ! YOUR FACE-HAHAHAH" napahawak nalang siya sa tiyan niya sa kakatawa niya.
Tss. Galawang playboy.
"You want to spar?" Alok ni Seri na ubod ng inis dahil pagtawa niya kanina. She's holding a katana at itinutok kay Sean.
Napasmirk nalang si Sean bago niya sagutin ni Seri.
"I'm sorry but I don't fight the weak, iyan kasi ang turo samin ni Alas" nakasmirk niyang sabi habang inalis ang nakatutok na katana gamit ng finger niya.
Turo ni Alas? What? Parang masyado yata silang sumusunod kay Alas. May nga commands pa sila na nasusunod talaga basta si Alas ang nagsabi na para bang command niya ay obselete.
"Ganiyan ba ang attitude niyo lahat? Mapaglaro ng damdamin? I mean you wink at her as flirting and you laugh at her reaction. Pati narin ang pagspar? Don't fight the weak? Gaano ba kataas ang tingin niyo sa sarili niyo?" Sumabog na si Iana. Tinignan ko si Jamie bilang sign na awatin sina Sean at Iana.
Pa'no naman naging tungkol sa damdamin ang nangyari? Girls talaga, ang lawak ng isip.
"Iana-" hinawakan ni Jamie ang balikat niya pero inalis niya ito at sinigawan si Jamie.
"Ano ba?!" Inis na sigaw ni Iana kay Jamie.
"Kung paano man napunta ang usapan sa damdamin ay di ko alam" natatawang sabi ni Sean at humakbang papunta sa mukha ni Iana.
"But of course, to answer your question, dear Iana. Yes, especially Alas and as she would say and I quote 'Wag magmalaki kung wala kang ipagmamalaki' at oo, we are players at kung mahulog ka man ay problema niyo na yun" natatawang sabi ni Sean at tinalikuran si Iana. Bago paman sugurin ni Iana si Sean na kakaalis lang ay sinigawan ko siya.
Sinermonan to be exact.
"JULLIANA DENISE EVERST! BEHAVE YOURSELF!" sigaw ko sa kaniya at natigilan silang lahat.
"Iyan ba ang tinuturo ko sa inyo?! Magpapadala kayo sa galit?!" Inis kong sambit at tumungo naman ng tuluyan ang ulo ni Iana.
I don't like shouting at them pero nawawalan na sila ng kontrol. They shouldn't act like petty children dahil sa mga bagay-bagay na konektado sa amin ay delikado at kung ganiyan nalang ang isipan nila ay maaga silang mamamatay.
"KUNG GUSTO NIYONG PUMATAY EDI DOON KAYO SA UG! OR DOON KAYO MAKIPAG-GANGFIGHT AT HINDI YUNG SUSUGOD KA LANG NG PARANG BATA!" dagdag ko pa.
"Sorry." Maikling sambit ni Iana na parang maluluha na. Agad ko naman siyang hinila at yinakap.
"I'm sorry kuya..." sabi niya habang di parin natatapos ang paghulog ng luha niya.
(A/N:
Wahhhhhh? Kuya dawwww? Related? Or nah? Expression? Or nah?.)
YOU ARE READING
Spade Chance
Random"Putspa" "Alright" "It's the Spade!" "Oh look! Di nasunog ang buong building" "Let's break up, okay? Wala akong pake sayo, kahit pangalan mo nga di ko maalala eh" Hayst. "I'm dominating you, Darling" And so much more- read Spade to know the story of...